After 6 months, bumilis ulit ang heartbeat ko. This is not the first time na hawakan niya ang kamay ko pero this time, may kakaiba akong naramdaman. Sounds so gay pero totoo.
Andito kami sa Badminton Station. Hobby kasi namin to tuwing walang ginagawa. Hindi pa ako nakakalaro pero pinagpapawisan na ako ng malamig. Peter John! What's wrong with you?!
"Pare. Baka matunaw si Ella nyan"
Nagulat ako nung magsalita si Carlo sa tabi ko. Peste! Nanggugulat na naman!
"Anong pinagsasasabi mo jan?"
I said kahit na alam kong kanina pa ako nakatingin kay Ella at yun ang sinasabi ni Carlo.
"Deny pa! Kulang na lang itali mo yang mata mo sa bawat kilos niya e!" Sabi niya sabay alis sa tabi ko.
Posible kaya? Hindi.. hindi pede. Bestfriend ko si Ella.
"Kuya! Tayo naman!" She shouted.
"Pass muna ako. Masakit kamay ko e" Palusot ko.
Hindi ko inaasahan na lalapitan niya ako dahil sa sinabi ko. At sht na malagkit! Hinawakan ulit niya ang kamay ko.
"Kuya naman. Bat hindi mo agad sinabi? Dapat hindi na kita inaya dito. Okay lang ba kamay mo? Gusto mo imassage ko?" She said. Yung boses niya, boses nag-aalala. Halata sa mga mata niya yung care.
"Okay lang ako bunso. Kamay lang to"
"Ano ka ba Kuya! Kapag nawala yang kamay mo, san ko isusuot ang singsing kapag kinasal tayo?"
Nagulat ako sa sinabi niya. Tama ba narinig ko o nag iimagine lang ako?
"Pakiulit nga nung sinabi mo Ella"
"Sabi ko.. kapag nawala yang isang kamay mo, san isusuot ng babaeng mahal mo ang sing sing kapag kinasal kayo" She said.
Nag iimagine lang pala ako. Akala ko naman yun ang sinabi niya. Para tuloy may kumirot sa dibdib ko.
Sigurado na ba ako dito? Mahal na ba talaga kita Ella Marie Pedrosa? Mahal na ba talaga kita higit sa isang girlbestfriend?
Itutuloy..