Chapter Four

4 2 0
                                    

Hindi umubra ang sungit effect ko kay Ella. At the end, ako ang talo. Sinamahan ko padin siya.

Bakit ba hindi ko siya matiis? Mahal ko nga pala siya.. Tuwing nakikita ko siyang masaya, napapangiti ako. Akala ko kasi dati, natutuwa lang ako sa ugali na meron siya. Pero hindi ko pala namamalayan na, nahuhulog na ako sa kanya.

"Kuya, sa tingin mo bagay sakin to?" Natauhan ako nung kausapin niya ako. Kanina pa ata akong tulala.

Nakita ko yung hawak niyang shorts. Maganda yun.. at alam kong babagay nga sa kanya kasi mahaba yung legs niya.

"Hindi. Ang panget. Mas bagay sayo yung jeans" I said.

Minsan, kelangan natin magsinungaling para sa taong mahal natin. I lied. Kasi alam kong pede siyang mabastos anytime kapag suot niya yun. Hindi naman niya ako laging kasama kaya walang magbabantay sa kanya.

"Sayang! I love it pa naman. Pero sige, etong jeans na lang" She said.

Binayaran niya na yung mga binili niya sa counter.

"Ako na magdadala nito"

Ang dami kasing paper bag at dahil gentleman din naman ang mga gwapong katulad ko.

"Yaaay! Sige Kuya. At dahil sinamahan mko, ililibre kita! San mo gusto kumain?" She asked me.

"Mcdo na lang" Simple kong sagot.

She nodded tapos naglakad na kami. Medyo konti lang ang tao kaya madali kaming nakahanap ng pwesto. Sa may dulo kami pumwesto para medyo tahimik.

Umorder siya ng dalawang 2pcs chicken with rice, dalawang large fries, dalawang sundae at dalawang cokefloat.

"Ayan na! Yeheeey!"

Parang bata siya. Ang ganda niya talaga. Para siyang isang anghel.

"Kuya, kanina ka pa tahimik. May problema ba? Galit ka ba kasi hindi mo agad matatapos yung ginagawa mo?" Ella.

Panginoon, pede bang sabihin ko na lang na medyo awkward ako dahil sa feelings ko para sa kanya?

"Hindi bunso. Ano lang kasi--"

"Marie? Oh, its you! Remember me?"

Biglang may babaeng lumapit samin, este kay Ella pala.

Marie huh? Sounds, hahaha okay. PJ, wag kang pa-cool.

"Jessa? Gosh! Ofcourse I remember you. Kamusta? Have a seat?" Masayang sabi ni Ella dun sa babae.

"Nako, i need to go nadin. Ill give you my calling card na lang. Ikamusta mo ko kay Baby mo ah?" Sabi nung babae at nilapag yung calling card sa mesa.

Nagbeso siya kay Marie tapos umalis na din.

Baby?

Itutuloy..

Forever YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon