Habang tahimik kaming kumakain, napansin ko na may ketchup sya sa mukha.
"Ella, may dumi oh!" Sabi ko sa kanya. Pero hindi ko inalis yung ketchup, nilagyan ko pa ito sa kabila.
Bigla niyang kinuha yung salamin niya sa bag niya at ngumiti.
"Bad ka Kuya ha! Eto sayo!" Tapos nilagyan din niya ako nv ketchup sa mukha.
Nagpahidan kami ng ketchup hanggang sa maubos yon.
Pagkatapos ay nagpunta muna sya sa restroom para ayusin ang sarili. Pagkatapos niya ay ako naman ang sumunod.
Hindi na kami nakakain ng ayos pero ang saya naman. Halos pagtinginan kami ng mga tao. Pakialam ba nila? Hahahaha.
*****
"Pare, ligawan mo na!" Sigaw ni Vince sakin.
Kanina pa nila ako tinatakot este, pinapayuhan. Natatakot ako na baka hindi niya ako gusto. Ang gay pakinggan diba?
"Bahala ka. Kqpag ikaw, naunahan ng iba jan!" Sabi pa nitong si Troy na kanina pang parang may ipinaglalaban. Pero nung isang araw ay halos idown niya ako dahil dun sa nakita niya na lalaking kasama ni Ella.
"Pano kung hindi ako gusto?" Tanong ko sa kanilang apat.
"Wala ka pang nagagawa, sumusuko ka na." Sabi ni Carlo na seryoso sa paggawa ng kung ano dun sa loptop niya.
Liligawan ko na ba? Pano kung ma basted ako?
"Hoy PJ! Ligawan mo na! Sayang ang oras! Para sa isang buwan, monthsary nyo na agad!" Sabi naman ni Louie kaya nabatukan siya ni Troy.
"Gagu ka pare! Excited?" Natatawang sabi ni Troy kay Louie.
Bahala na si superman! Liligawan ko na. Tama naman sila e. Sayang ang oras. Wala naman sigurong mawawala kung susubukan ko.
Matagal na kaming magkakilala at ayon sa kanya, ako daw ang tipo ng boyfriend na hinahanap ng mga babae. Basted man o sagutin, magiging masaya ako sa desisyon niya. Wala naman akong magagawa kung hindi niya ako gusto.
Peste ka pogi! Ang drama mo! Para kang bakla.. BAKLANG POGI!
"Oh ano na? Nganga na lang tayo dito?" Tanong ni Vince sakin na para bang mas excited pang manligaw kesa sakin.
"Oo na! Basta sagot niyo bulaklak at chocolate" sabi ko sa kanila.
Bigla naman silang tumayo lahat at akmang aalis na nung bigla silang sabay sabay na nagsalita..
"Wala to. Kuripot!"
In chorus pa talaga.
"Biro lang!" Sabi ko at bumalik na ulit sila sa pwesto nila.
Sarap talaga sa pakiramdam na may mga tunay kang kaibigan. Handa kang tulungan kahit saan.
Oh Peter John! Drama mo na naman! Bawal ang magdrama sa mga pogi! Magagalit ang panget na author.
Oo na mga readers! Liligawan ko na! Alam ko namang mas excited pa kayo sakin e. Kayo na kaya manligaw? Ay wag na pala!
Liligawan ko na.
Itutuloy..