Chapter 06

637 44 0
                                    

Kath's POV

Vacant time namin kaya naisipan kong isama si Aly sa Library. Doon na muna kami magpapalipas oras.Naghahanap ako ng libro ng bigla nalang may bumungo sakin kaya nahulog ang ibang libro at buti hindi ang shelve.

"Di ka ba marunong magsorry Miss?" sabi ko kay Patricia. Yeah. Yung ex ni Niko. Inarapan niya ako at umalis. Problema nun?

Pagkatapos kung ayusin yung mga libro umalis na kami ni Aly doon at nag-stay nalang sa classroom.

"Ano bang ginawa nang Patricia na yun sayo at nabadtrip ka?" -Aly

"Binunggo lang naman ako. Hindi man lang marunong magsorry".

"Asa ka naman na magsosorry yun."

"Aish. Nakakainis".Di ko nalang pinansin yung nangyari. maliit na bagay lang naman pero syempre wala talaga siyang manners. Psh.

Nasa tambayan kami ni Aly nang biglang lumapit samin si Renzo. Napansin ko rin na parang may sugat yung kabilang pisngi niya.

"Oh renzo! anong nangyari diyan?". sabi ko at tinuro yung sugat niya. napahawak naman siya dun.

"W-wala to. Siya nga pala, Kath free ka ba sa Saturday?" -Renzo

"Uhm. Siguro? Bakit?"

"Yayain sana kita manuod ng sine".

"Uhm. Basta libre mo?"

"Oo, ikaw Aly? sama ka?" Bigla naman namula si Aly dun. Crush niya kasi si Renzo.

"A-ah. Di ako pwede eh". nahihiyang sagot niya. I gave her pakipot-ka-pa-look

Marrying the Flower BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon