Chapter 09

600 45 1
                                    

Kath's POV

Saturday na ngayon at magkikita kami ni Renzo wala rin naman akong gagawin sa bahay at wala rin doon si Niko, siguro nakipagdate yun.

Tinext ko agad si Renzo ng makarating ko sa Mall sayang at wala si Aly dito.

"Hey". nagulat ako sa biglang mag sulpot ni Renzo sa harap ko.

"Ano ba. Ginulat mo ako!" sabi ko at hinampas siya.

"O-ouch naman. Halika kana". saad niya at ayun bumili siya ng ticket at ako naman bumili ng popcorn at coke. Nanuod kami ng Captain America. Pagkatapos ay nag-arcade kami. Naglaro kami nung basketball.

"Di ko akalain na magaling ka palang magbasketball, edi sana pina-audition kita bilang varsity sa school". natatawang saad niya. Natalo ko kasi siya kaya hindi siya makapaniwala.

"Naswertehan lang!". sambit ko naman. Maya-maya may mga babaeng lumapit samin, mga lima ata sila.

"Hi Kuya! Ikaw po ba si Renzo?" sabi nung babae na may mahabang buhok. Halatang nagpapa-cute.

"Ako nga, bakit?" -Renzo

"Ohmy. Can we take picture together?" sabi naman ng babae na kulay blonde yung buhok. Fans ata!

"Sure". sagot niya at tumingin. He gave me Wait-muna-look. So tumango ako. Pagkatapos nilang magpapic kay Renzo nagulat ako sa tanong ng babae sakin.

"Girlfriend po ba kayo ni Kuya Renzo?" tanong ng babae.

"A-ah.. H--"

"Bakit bagay ba kami?" sulpot ni Renzo. Naspeechless ako doon. HAHAHAHA. pero ano daw? I gave him what-the-look.

Marrying the Flower BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon