X's POV
"Btw, Im Jaypee. San ka ba bababa? Hatid na kita"
Napatingin ako sa labas ng jeep. Pucha!! Di dito ang daanan papuntang samin. Yan kasi ee! Feel na feel ko kasi ang pagiging maam charo sa pag thro-throwback kaya ayan! Nga-nga!
"Ahmm.. Ano kasi, ah-ehh.." Naiilang kong sagot. Umiba kasi boses ko. Yung boses ng bagong iyak? Yung parang may dalang sipon na may plema. Ew dba? Haha
"Nalampasan mo na ang sa inyo?" Direct to the point nyang sinabi.
"Correction, Mali ang jeep na nasakyan ko" Sabi ko. Tas hinalukat ko Bag ko. Tatawagan ko si-- Ay sh*t! Naging brutal pala ako kanina sa phone ko.
"Tanga ka kasi ee. San ba ang inyo? Hahatid na kita, malapit nang mag gabi. Bayad manong" Sabi Jaypee sabay bayad.
"Kung mka tanga ka no?" Nag acting akong umiiyak at nag bayad. "Bayad po ma--"
" Dalawa yan manong, dyan sa kanto.... Ako na magbabayad. Baka umiyak ka na naman dyan" Tas inabotan na sya ng sukli. Ang rami ko nang utang sa kanya
"Salamat ha? Teka, bat sa kanto? Kala ko ba ehahatid mo ako samin? Ee di naman ako tga rito ee." Taka kong tanong
"Dyan lng kasi bahay namin. Manong para po!" Sabi nya at kinaladkad na ako. Bago pa ako makapagsalita ay pumasok na kami sa gate ng Bahay. Malaki sya na parang ancestral. May mga puno at halaman sa pagpasok mo sa gate. May mga steal chairs at isang glass table. Sa opposite side naman ay may nka park na Motor.
"Kuya! May gas na po ba ito?" Sigaw ni Jaypee at may lumabas sa Lalaking nka Topless at boxer. Ngunit may hawak syang towel at ipinangtabon nya ito sa kanyang Perpektong Hubog na katawan. Nakutuban yata nya ako
"O jaypee may bisita ka palang dalaga. Pasok muna kayo, naghanda si manang ng Puto" Ani Kuya ni Jaypee. Ayaw ko na sanang pumasok ngunit pumasok si Jaypee. Baka magbibihis lng sya. Hinintay ko sya sa may steal chair. Inigala ko ang aking tingin sa bahay nila. Maganda nga. Tinawag ako sa Kuya ni Jaypee. Kumakain pala sya.
"Kumain ka muna sa loob, Btw im Jay-ar. Kuya ni jaypee. Ganyang kasi yan pag nagugutom. Wala nang pakialam" Sabi nya. Kaya pala parang namumutla sya.
"Jaypee walang hiya ka talaga. Pinaiyak mo to tas iniwan mo lang!"
"Kuya naman, kanina pa ako nagugutom. Ihahatad ko pa nga sya. Oy, kain ka muna! Magbibihis lang ako" Sabi ni Jaypee. Di pa pala nya alam ang name ko
"Oy ano gusto mo juice o Tubig?" Sabi ni kuya jay-ar.
"Jan nlng po. Tubig po" Awkward kong sabi
"Kung mka po ka nman. Kuya nalang! Btw, ngayon lang kita nakita ah, new friend ka ba ni jay-pee?" Sabi nya at sinalinan nya ng Tubig ang baso ko
"Actually, ngayon lang po kami nag kita, mali kasi sasakyan na nasakyan ko. Tas nakita nya rin akong umiiyak. Gentleman kuno sya ee" I joked. Na shock ako na ngumiti sya ng slyt.m
"Yung lalaking yun? Gentleman? Totoo ngang nagugutom sya! Milagro yata kung naging Gentleman yang otol ko!" Sabi nya.
Ang open nla no? Ni hindi nga nila ako hinalay na hindi ko naman gustong mangyari. Nakita ko nang papalapit si Jaypee kaya't uminom na ako ng mabilis at kinuha ko bag ko. Dala-dala ko kasi eto habang kumakain. Nag babye na ako kay kuya Jay-ar. Sa uulitin daw, e hindi ko nga alam sang lugar to. Tumango nlng ako! Lumabas na pala si Jaypee. Inihatid ako ni kuya Jay-ar sa Pinto. Sa paglabas namin ay nakita ko si Jaypee na may kausap sya sa Phone. Nung nakita nya kami ay parang nang babye na sya sa kausap nya. Lumapit sya sa amin
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts (ONHOLD)
RomanceJan, isang Baklang umasa na makapasok sa isang SERYOSONG RELASYON Matapos paglaru-an ng akala nyang ONE FIRST AND LAST TRUE LOVE. Pero sa pagkakataong ito, HE DOESN'T WANT TO BE HURT AGAIN. Pero pano yan? Sa larong pag-ibig, DI MAWAWALA ANG SALITANG...