Spade's POV
Di ko alam ang exact reason bakit uma-akto ng ganyan si X. Hindi ko rin alam ang reason behind sa Video. Ang alam ko lang, Nasaktan si X. Tinanong ko sina Violet at Trex about that video ngunit umiiling lamang sla. Kaya't naisip kong puntahan si X sa kanila.
Nagpaumanhin muna ako kina Violet at Trex sa aking pagka-pakealamero. Lumabas ako ng bahay ni Trex at pumara ng Jeep. Sa Jeep ay napa-isip ako. Parang pamilyar ang Babae na naghahalikan sa Video. Ngunit di ko mapagtanto kung san ko sya nakita. Bsta parang familiar sya.
Sa pag muni-muni ko ay di ko namalayan na malapit na pala ako sa sasakyan ng nga trike papunta sa bahay ni X. Nagbayad na ako at pumara. Sumakay ako ng trike papunta kela X.
Nung nakita ko na ang bahay nila X ay bumaba na ako sa Trike. Nasabihan ako noon ni X na wala silang doorbell kaya't agad kong kinatok ang gate nila X. Agad din namang binuksan iyon ng Mama ni X.
"Magandang hapon po, Ahhm.. tita andito na po ba si X?" Tanong ko sa mama ni X.
"Magandang hapon din, hindi pa umuwi si X, spade. Dba kasama kayo? Pasok ka muna" Sabi ng mama ni X
"Ay wag na po, ahm ano kasi ee.. Nag-away kasi kami sa bahay ni Trex. Tas umalis kasi sya. Nagbabakasakali lng po akng umuwi na sya" Sabi ko
"Wla pa ba sya kina Violet? o kina Chast?" Sabi ng mama ni X. Oo nga no? Bakit di ko naisip yun. Baka dumeretso sya kina chast. Kasama naman kami ni violet ee so tyak kina chast punta nun
"Ah sge po. Sorry po sa abala, pupuntahan ko nalang po kina Chast baka nandoon sya." Sabi ko tas nagpara muli ng Trike. Mga limang kanto lang kasi kina chast from X's house. Nang papasok na ako sa trike ay lumabas ang Mama ni X sa gate at tinawag ako
"Spade spade! Nagtext ang anak ko, Wag na daw tayong mag-alala. Makikitulog nlng daw sya sa kaibigan nya. Wag na daw tayong mag-abalang hanapin sya, uuwi na daw sya bukas" Binabasa ng Mama ni X ang kanyang cp. (Sosyalin mama ni X no? hahaha)
"Sge po tita. Salamat po, dadaan nlng po ako dito bukas, Salamat po!" Sabi ko. "Kuya wag nlng po, di nlng po ako sasakay. Sorry po" I continued.
Naglakad nlng ako papuntang sakayan ng jeep. Kaya ko naman ee. Nagmamadali lng talaga ako kanina. Habang naglalakad ako ay iniisip ko parin kung bakit affected si X sa video na yun. Inerecall ko ang video sa aking isipan. Wala naman akong nakita na nakakaiyak sa video na yun. Hindi ko talaga naiintindihan si X bakit nagkakaganyan sya. Na recall din ng aking isipan ang Lalaki sa Album na yun. Pero dba dapat LOVE ang saktong word for I LOVE HIM. Pwera nlng kung ex ni X ang lalaki na yun. Pero parang hindi ee. Sabi ni X sakin wala syang naka relasyon na seryoso. So bakit nga umiiyak sya?
Pumara ako ng jeep at sumakay na para umuwi. Hanggang sa pag-uwi ko sa bahay ay yun parin ang iniisip ko. Ewan ko ba, di ko naman problema yun pero bakit prinoproblema ko! Inalok ako ni mama at papa na kumain. Sabi ko naman ay mamaya na akng kumain. Nagbihis muna ako at nag muni-muni sa kwarto ko. Kinuha ko cp ko at nakita ko si X. Sya pala wallpaper ko.
Naligo na ako at pumunta sa kitchen. Nadatnan ko si mama at bunso na nka harap sa TV. Kumuha ako ng makakain at pumunta sa Sala para manoud ng TV. Nanonoud sla ng IKAW LAMANG. Di naman talaga ako fan ng panonoud ng Tv shows kaya't nilisan ko na ang Sala at bumalik sa kwarto ko pagkatapos kong kumain. Nagpamusic lng ako sa kwarto. Tamang Melow songs lng. Mga ilang saglit ay nakatulog na ako
X's POV
Pota! Nahihiya ako! Nakita ni Jay-ar ang Ahas ko. Ee ang shunga ko din kasi alam kong hanggan legs lng ang towel ko ay tumuwad-tuwad pa talaga ako!
"Ho--hoyy hoyy Jan! Di ko nakita! Alam mo nmang nka patay ang ilaw dba? Sge mag bihis ka na!" Sabi ni Jay-ar at inisarado ang pinto. Nakapatay nga pala ang ilaw kaya' safe ako. Ang ilaw ng lampshade at ang ilaw sa labas ng bintana ay tanging ilaw dito sa kwarto. Tiningnan ko si Jaypee. Nka tingin rin sya sa akin.

BINABASA MO ANG
Opposite Attracts (ONHOLD)
RomanceJan, isang Baklang umasa na makapasok sa isang SERYOSONG RELASYON Matapos paglaru-an ng akala nyang ONE FIRST AND LAST TRUE LOVE. Pero sa pagkakataong ito, HE DOESN'T WANT TO BE HURT AGAIN. Pero pano yan? Sa larong pag-ibig, DI MAWAWALA ANG SALITANG...