Simula

225 46 56
                                    

Simula

 I found her

Jules David del Rosario's POV

Naramdaman ko ang malamig na ihip ng hangin dito sa rooftop ng Colegio de Santa Maria habang tinatanaw ang mga estudyanteng naglalaro ng football sa field. This is going to be my new school so I have to be familiar with the places. I took out my camera from my bag and started taking pictures. Pagkarating ko rito sa school, hinanap ko kaagad ang rooftop since I was an hour early for my meeting with the Dean. Hindi gaya sa ibaba na masyadong maingay, tahimik lang dito at wala atang taong pumupunta. I hate the crowd so the rooftop is my favorite place kahit noong nasa States pa ako. Call me anti-social, wala akong pakialam.

Umuwi ako dito sa Pilipinas mainly for business. Our family is known in the world of fashion. We produce the best quality clothes not just in the Philippines but also around the world. My parents divorced when I was young so it was decided that I'll be handling our business here while my brother's in the States.

But there is another reason why I came back. There is this someone that I've been longing to see since I left Philippines.

When my mom and dad decided to end their marriage, I ran away from home. I was 6 years old then and my mother decided to bring me and my older brother sa US. Napadpad ako sa isang kindergarten playground na hindi ko alam kung saan. Hindi ko na alam kung paano umuwi kaya napagdesisyonan kong umupo na lang muna sa isang swing doon. Alam ko namang ipapahanap ako ng mga tauhan namin.

Naghihintay lang ako sa swing habang tinitingnan ang langit na unti-unting dumidilim nang may nagsalita. "Bata! Anong ginagawa mo dito?" Ginala ko ang paningin ko sa buong playground pero wala akong nakita. Medyo kinakabahan na ako dahil unti-unti ng lumulubog ang araw.

Tumikhim ako at nagsalita. "S-sino 'yan?" Medyo nauutal pa ako dahil sa kaba na baka minumulto na ako dito kaya tumayo ako mula sa kinauupuan ko.

"Ako. Ikaw? Anong pangalan mo?" Sagot naman ng boses na narinig ko kanina. Unti-unti akong tumingin sa likuran ko na nakapikit ang aking mga mata. Unti-unti ko rin itong dinilat.

"AHHHHHHHHH!" Napasigaw ako kaya napatalon at lumayo sa akin ang multo. Natakot ko ata. Ba't siya pa ang natakot eh siya nga itong multo?

"Ba't ka sumigaw? Natakot tuloy ako." Paano ba naman hindi ako mapapasigaw eh ang lapit-lapit ng mukha niya kanina. Nakalugay ang kanyang mahaba at kulot na buhok. Ang puti-puti pa niya.

"Anong kailangan mo sa akin?" Sigaw ko sa kanya. Pinilit kong kumalma para hindi niya mahalatang natatakot ako.

"Wala. Hinihintay ko lang ang mga magulang kong sunduin ako. Ikaw? Ano pa ang ginagawa mo dito sa ganitong oras?" Tanong niya sa 'kin. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Naka-uniform nga siya at may dala-dala pang bag.

"Hindi ka multo?" Tanong ko. Sahalip na sumagot, lumakad siya papunta sakin kaya unti-unti rin akong napapaatras. Anong gagawin niya sakin? Papatayin niya ba ako dahil nalaman kong multo siya?

That Four-Lettered WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon