Third Words

153 41 39
                                    

Third Words

Missy, concentrate

Gayle Devanadera's POV

 I felt my phone vibrating kaya tiningnan ko kung sino ang nagtext.

Unknown number:

"Hello, Missy. Save my number."

At sino ka naman? Minsan talaga, hindi ginagamit ng mga tao ang utak nila. Save my number daw pero hindi naman nagpakilala. Tanga lang.

I typed "At sino ka naman?" and clicked send pero error. Ay! Wala nga pala akong load. Well, who cares? Hindi ko naman 'to kilala.

Nagmadali na lang akong pumunta sa classroom. I have Statistics for the next class so I have to prepare for a possible quiz.

Pagkarating ko sa classroom, agad naman akong dinumog ng mga kaklase kong babae. What is happening?

"Is it true? Is it true?" Sabay-sabay nilang tanong. Ano ba ang mga 'to? My goodness! Let me breathe! Gusto ko silang sigawan but I tried to keep calm.

"Ano bang pinagsasabi niyo?" I tried to get away from them pero para silang mga preso na bagong labas. My gosh! Mamamatay ako nito ng maaga.

"May new students tayo?"

"Uhuh. Oh tapos?" Hindi ko talaga sila maintindihan. "Please, girls. Huwag niyo naman akong dumugin." Pero parang wala lang silang narinig.

"Oh my gosh! It's true! The Del Rosario brothers are here!" At isa-isa na silang nagtilian. May mga saltik ba 'to? I just covered my ears at naglakad papunta sa upuan ko which is sa pinakalikod ng room.

Maya-maya pa ay dumating na si Ma'am. We all stood and greeted her. Pagkatapos ay umupo na ako at kinuha ang libro sa bag ko. Nakalimutan ko pa tuloy mag-aral! Ay nako!

I was rummaging my bag for my book nang umingay ang klase dahil sa tili ng mga babae. Ano na naman ba ang nangyari? Isinantabi ko muna ang paghahanap para malaman kung ano ang sanhi ng ingay.

"Hoy! Ang ingay niyo!" Sigaw ni Miguel, ang pinsan kong lalaki. Magkasing-edad lang kami that's why we're classmates. "Parang hindi kayo nakakita ng gwapo eh araw-araw naman akong pumapasok." Tapos, humagalpak siya sa tawa. Ang kapal talaga ng pinsan kong 'to.

"Che! Tumahimik ka diyan, Miguel!" Sabay-sabay na sigaw ng mga kaklase kong babae na pinagbabato siya ng papel. Pinagtawanan lang siya ng iba ko pang kaklaseng lalaki habang humagikgik lang ako sa upuan ko.

"Kase naman ilang page 'yang mukha mo, Migs. Kapal eh." Biro ko sa kanya.

That Four-Lettered WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon