Pupunta ako ngayon sa munisipyo, tutal tapos na rin ang mga pipirmahan ko para sa bago kong trabaho. Hindi naman ata ako makakaistorbo kasi sila na mismo nagsabi na pwede akong bumisita sa ganitong oras. Patapos na rin ang duty nila kaya okay lang. Matagal-tagal rin akong hindi gumala o kahit nakipagkita man lang sa mga kaibigan ko. 6 months ko ba namang in-isolate ang sarili ko sa outside world. Worth it rin naman.
1 message received
Harriet:
San ka na?Me:
Sandali. Walang tricycle.Tinago ko na sa bulsa ang cellphone ko. Tinanggal ko muna ang blazer ko. Ang init! Nang may tricyle na, pumara ako at sumakay.
"Sa munisipyo po, Kuya," sabi ko pagkapasok sa tricyle.
Pagbaba ko sa munisipyo chinat ko na agad si Harriet na nasa labas na ako. Nakakahiya kasi pumasok agad. Baka makasalubong ko pa si Mayor. As much as possible ayokong makipag-ugnayan sa mga politiko ngayon.
Habang naghihintay, nakita ko ang mga kaklase ko noong college na nagtatrabaho na ngayon sa munisipyo, ang iba naman barangay councilor na, at ang iba sa City Councilor na.
Sabay-sabay nga kaming grumaduate pero hindi kami sabay na naabot mga pangarap namin.
Deserve din naman ata namin kung ano meron kami ngayon. Ilang taon kaming naghintay para makamit pangarap namin. Siguro nga iba-iba lang talaga ang timeline ng bawat tao. Dati, naiinggit ako sa mga kabatch ko na may trabaho na agad while ako tambay lang.
Papalapit na si Harriet sa'kin nang may tumawag sa'kin na kaklase ko no'ng college.
"Rigelle!" bineso niya ako, "Asensadong-asensado ka na, ah? Anong ginagawa mo dito? Halika, dito tayo sa loob," aya niya sa'kin. Hindi ko nga in-expect na magiging konsehal siya eh. Mahiyain kasi 'tong lalaking 'to noong college kami pero kung leadership ang pag-uusapan, magaling talaga siya.
"'Wag na, Konsi. Salamat pero nandyan na si Harriet, siya hinihintay ko, eh," tinuro ko si Harriet.
"Sa susunod pumasok ka, kahit dun ka maghintay sa opisina ko, walang problema," aniya.
"Sure, thank you, ha," niyakap ko siya.
"Good afternoon, Kons Joshua," bati ni Harriet.
"Good afternoon, Harriet," bati rin niya. "Nasa opisina ba si Kuya?" Nagtatrabaho si Harriet sa Vice Mayor's office. Sino ang Vice Mayor? Kapatid lang naman ni Joshua.
"Oo, maya-maya maga-out na 'yun," sagot niya.
"Oh sige, mauuna na ako sa loob, ha," paalam niya.
Nagyakapan kami ni Harriet. Ang tagal din naming hindi nagkita, eh.
BINABASA MO ANG
Behind Those Words
RomanceMay mga salita na kahit alam mong hindi magugustuhan ng kausap natin ay sasabihin mo pa rin dahil hindi mo mapigilan ang sarili mo. Ngunit sa huli, magsisisi ka dahil sa mga nasabi mo. Hindi mo na 'yon mababawi.