Chapter 2

27 0 0
                                        

Pagmulat ko ng mata ko, nagdalawang isip pa ako kung babangon na ba ako o mamaya na. Napatingin ako sa wall clock sa kwarto ko. Shit, alas onse na pala. Pakiramdam ko wasted af ako pagkauwi ko. Napasarap ang inuman sa bar kagabi kasama ang mga kaibigan ko at mga kaibigan ng kaibigan ko.




Dinampot ko ang cellphone ko sa side table ng kama ko. Marami akong na-receive na text. May isang unknown number na nagtext na ang sabi ay nakapass daw ako sa screening ng Barcelonian Footprints.




Napabangon ako bigla at binasa ulit 'yong text.


Congratulations! You passed the screening! Welcome to Barcelonian Footprints. See you at the Publication Office later. 3:00PM. Thank you!

-EIC



So nakapass talaga ako ng screening? Wow. May iba na rin akong pagkakaabalahan. Ito na ata ang sign na magbalik-loob na ako 



Nilapag ko na ang phone ko sa side table at tumayo na para maligo.




Pagkatapos kong maligo, bumaba na ako para kumain. Saktong naghahanda na sila ng pagkain sa hapag. Kadarating lang rin ng kapatid ko galing school.




"Good morning, guys!" Bati ko sa kapatid kong si Yani at Yuri.




"Ate, lunch na. Good morning pa rin sa'yo?" Ani Yani




"Eh kagigising ko lang kaya good morning," kumindat ako sa kanya at naupo na.




Nilapag na ni Manang ang inihanda niyang pagkain namin.




"Salamat, te," nakatingin ako sa mga pagkain na nasa harap ko ngayon. "Kumain na rin po kayo."



"Kumain na ako, Rye," ngumiti siya sa'min.




"Ahh okay po."




Nagdasal muna kami bago kumain.



Maya-maya pa at dumating na ang kambal kong si Nigel.

Behind Those WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon