NAKAKAANTOK TALAGA 'TONG FIRST PERIOD NAMIN. Gusto ko na lang matulog. Kinse minutos pa lang ang nakalilipas. Napatingin ako sa professor namin.
Aba! Ngumingiti habang nagpi-facebook. Bagets talaga 'tong si Sir Fernan. Ganito na lang lagi sa period niya. May magre-report, ipapa-explain niya pero hindi siya nakikinig. Pagkatapos ng reporting, iisa-isahin niya ang mga quotations na sinabi ng mga Politicians (which is 'yon ang nire-report namin), and he will explain each quotations. No, words. Baka nga pati 'yong word na "the" i-explain niya, eh.
Matutulog na sana ako nang may narinig akong nag-excuse para sa announcement.
Pinagmasdan ko ang babaeng madalas kong makita sa office noong 2nd year college ako. Madalas ko rin siyang nakikitang kasama ang kambal ko. Mukha siyang elementary sa height niya. Sorry, judgmental talaga ako.
"To those who are interested to join the College Student Publication Barcelonian Footprints, we have a screening at the College Library later," mukhang memorize niya ang sinasabi niya. Nai-imagine kong paulit-ulit niya 'yang sinasabi sa bawat rooms na nandito sa campus. Ano pa kaya sa High School campus?
Natawa ako sa naisip ko.
Nagpaalam na siya kay Sir at umalis na.
Pinilit ko na lang makinig sa nagre-report. Pero wala pa rin akong maintindihan. Hindi rin naman 'yan ilalagay sa exam.
Tumayo ako at lumapit kay Sir, "Sir?"
Inangat niya ang tingin sa'kin, "Ano 'yon?"
"Lalabas po ako," pagpaalam ko, "Pupunta akong College Library."
"Go," sumenyas pa siya na parang pinapalayas ako. Wow, Sir, ah? Parang gustong-gusto ko naman 'tong subject mo.
"Thanks, Sir," tinalikuran ko na siya. Para makatotohanan, kinalkal ko muna ang bag ko para maghanap ng ballpen at papel.
What the hell? Wala pala akong dalang ballpen at papel. Lipstick, blush on at pulbo lang laman ng bag ko. Hanep!
Ang hirap talaga kapag puro lang ganda.
Nahagip ng paningin ko ang bukas na bag ng bestfriend ko. Mayroon siyang one whole pad paper. Dami! Kumuha ako ng isang piraso at binalik na sa bag niya. Nasa unahan kasi siya, nagsusulat.
Akmang aalis na sana ako nang wala pala akong ballpen.
Nagkukwentuhan lang naman ang guy friends ko habang kunwaring nagsusulat. Lumapit ako sa kanila. Bigla kong kinuha 'yong ballpen ni Alfred.
Kumunot naman ang noo niya. Nginitian ko siya, "Hiram ko muna, ah? Pakisabi kay Morgiane na kumuha ako ng isang pirasong papel sa bag niya," tinapik ko ang balikat niya, "Bye!"
Lumabas na ako ng room.
May nakita akong estudyanteng kumakain. Hmm, parang gusto kong kumain, ah?
"Oh, Rigelle!" Tawag sa'kin ni Mark "Pupunta kang Library?" Tumango ako. "Cool. Sabay na tayo."
"Sino prof niyo ngayon?" Tanong ko.
"Si Sir Ronald, wala siya ngayon. Kaya nagkalat mga kaklase ko. Nalaman kong may screening kasi naki-sit in ako sa isang block."

BINABASA MO ANG
Behind Those Words
RomanceMay mga salita na kahit alam mong hindi magugustuhan ng kausap natin ay sasabihin mo pa rin dahil hindi mo mapigilan ang sarili mo. Ngunit sa huli, magsisisi ka dahil sa mga nasabi mo. Hindi mo na 'yon mababawi.