Second day of class. Nandito kami ngayon sa classroom at hindi pa nagturo ang teacher namin kaya naman walang kasing gulo at ingay dito. Maya maya lamang ay break time na at matapos naming kumain ay pumunta kami sa nay gazebo upang doon magpalipas ng oras. 2:30 pa kasi ang next class namin.
Natanaw kong dadaan si Angelow sa may harap namin kasama ang mga kaibigan nito. Hindi ako mapakali sa aking inuupuan dahil sa kaba. Oo ganon kalakas ang epekto sakin ni Gelong.
Siniko ako ni Kaye at ininguso ang dumaang sina Angelow dahilan upang magblush ako.
"Hoy! Issue talaga kayo no? Hindi ko nga crush si Angelow." Medyo pasigaw na wika ko dahil panay ang tukso nila sa akin.
"Crush mo pala ako, miss Kate!" Bulong ni Angelow sa likod ko.
Nanigas ako sa aking kinatatayuan at hindi alam ang aking gagawin. Ramdam ko na nag init ang aking pisngi at pakiramdam ko ay sobrang pula na nito.
"H'wag ka ng mahiya. Aminin mo na. Handa naman akong saluhin ka e." Angelow.
Nang makabawi ako pagkabigla ay binalingan ko ito at sinamaan ng tingin.
"Electric fan ka ba?"
"Bakit?" Ngingisi-ngising ani Gelong.
"Ang hangin mo kasi. Bakit? Gwapo ka ha? Gwapo ka? Masyado yata akong maganda para sayo." Pagtataray ko.
"Boom basag!" Tatawa tawang wika ng mga kaibigan nito.
"Aminin mo na lang kasing type mo ko ng magkaroon ng tayo."
"Ang yabang mo. Tse! Umalis ka sa harapan ko, nagdidilim paningin ko."
Bigla namang nagbell hudyat na malapit na ang pasukan kaya naman ay tinalikuran ko na ito at nagmamadaling umalis pakakuha ng aking mga gamit.
Nandito na ako sa room. Iniwan ko sina Camille dahil sa labis kong inis. Maya maya lamang ay dumating na ang mga ito kasabay ang teacher namin at ang ikinais ko ay nasa likuran nila ang tropa ni Angelow at siya.
"Tsk! Kaklase ko pala ang unggoy na 'to. Humanda ka talaga sakin. Kapag ako nakapag-adjust goodluck sayo." Nasisiyahan kong wika sa aking sarili.
Dahil sa aking naisip ay hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako at maya maya pa ay napabulanghit ako ng tawa dahil sa naiimagine kong magiging reaksiyon ni Angelow.
"Why are you laughing miss Kate? Did you find my teachings funny?"
"Hala patay!" I utter to myself.
"Miss Kate! Stand up." Narinig ko pa ang mga bulungan ng aking mga kaklase. "Psh! Bubulung bulong, dinig naman."
"Sir!" Kinakabahan kong tawag sa aking teacher.
"Why are you laughing a while ago?" Sir
"Ah eh!" Wala akong mahagilap na isasagot at napapakamot na lang ako sa aking ulo.
"Excuse me sir!" Angelow.
"Yes Mr. Angelow?" Sir
"With all due respect sir but I think it's already time and we have a curfew sir." Seryosong wika nito.
Tumingin sa kanyang wrist watch ang aming prof at kapagkuwan ay binalingan ako nito.
"You're lucky! It's already time." Umalis na ito sa aking harapan at dinismiss na rin ang klase.
Pagkaalis ng aming prof ay tsaka pa lang nagsikilos ang aking mga kaklase at nagmamadaling umalis.
"May utang ka sa'kin!" Angelow na ngayon ay nasa harapan ko na.
"Excuse me? Ako? May utang? Sayo? Nagpapatawa ka ba?" Taas-kilay kong ani dito
"I saved your ass to our teacher a while ago. Di ka ba marunong mag thank you?"
"Edi thank you!" Wika ko rito and rolled my eyes.
"Hindi ako tumatanggap ng thank you na ganyan."
"Wag kang mag inarte, hindi ka babae." Napatakip ako sa aking bibig sa aking naisip. "Bakla ka?"
"What the hell? What makes you think na bakla ako ha? O baka gusto mo lang ng halik mula sa akin." Nakakalokong anito.
"In your dreams."
"In my dreams nagdate daw tayo." Seryosong ani Angelow.
"Duh!" Tabi nga diyan, dadaan ang dyosa."
"Teka teka lang. Hindi mo pa nababayaran ang utang mo."
"I already said thank you kahit hindi naman dapat. Ano pa ba ang gusto mo?" Naiiritang wika ko.
"Date me. Isipin mo na lang, makakabayad ka na sa utang mo plus makakasama mo pa ang gwapong ako."
"Teka lang ha! Ikaw? Gwapo? At bakit naman kita idedate aber?"
"Dahil crush mo ko."
"Ang kapal kapal ng mukha mo. Hindi kita crush. Tabi!"
"Okay, pararaanin kita sa isang kondisyon."
"What?"
"Date me. Saturday! 7pm. Susunduin kita sa bahay mo."
"Mag-date ka mag-isa mo." Tinulak ko ito at dali dali akong naglakad palabas ng silid at nagtatakbong tinahak ang daan papunta sa parking lot.
BINABASA MO ANG
Bestfriend Series 2: My One and Only
Teen FictionWhen mahangin and mataray collide. Enjoy reading. neymless