Chapter 2

32 5 3
                                    

First day of class. Wala pa namang lesson at puro introduce yourself lang ang aming ginawa. May ilang teacher ng nagturo ngunit lamang talaga iyong nga hindi. Tsaka first day pa lang naman daw ng class e kaya kilalanin muna daw namin ang bawat isa.

Hindi ako nag abalang makipag-usap dahil sa inaantok pa ako kaya naman ay itinulog ko na lang ang natitirang dalawang oras.

Hinding hindi na talaga ako manunuod ng KDrama. Sa isip-isip ko. Dahil kasi dito ay napupuyat ako. Kaya lang hindi ko din naman mapigilan ang aking sarili. Tsk!

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog. Nagising na lang ako ng maramdaman ko ang mahinang yugyog sa akin ni Kaye na siyang katabi ko sa upuan.

Ininguso ni Kaye ang nasa unahan ko. Sa pag aakalang ang teacher namin yun ay inayos ko ng bahagya ang aking buhok at chineck ko kung may laway ang aking bibig. Nakakahiya kasing humarap sa teacher. Ng masiguro kong maayos na ako ay saka lang ako nag angat ng tingin only to found out this guy who looks straight directly into my eyes. Hindi ko magawang magbawi ng tingin dahil para akong nahihipnotismo sa mga titig niya sa akin.

Patuloy lang kami sa pagtititigan ng bigla itong magsalita.

"Hi! My name is bee, can you be my honey?" He then winked at me.

Bigla naman akong namula dahil sa sinabi nito.

"Alam kong gwapo ako pero wag mo naman akong titigan na parang minamanyak mo na ako." Muli nitong sabi na ikinataas ng aking kilay.

"Excuse me?" Taas-kilay kong wika.

"Yes, dadaan ka? Magc-cr ka? Tara, samahan kita. Pero sa labas lang ako ha, baka kasi reypin mo ko."

Nagpantig ang aking tenga sa narinig at di ko napigilang di magtaray.

"Bakit ka-rape rape ka ba? Gwapo ka ba? Fyi masyado akong maganda para sa isang katulad mong" Sinadya kong di tapusin ang aking sinasabi sabay hagod dito ng tingin mula ulo hanggang paa. Okay, siya na ang may magandang pangangatawan. Muli kong binalik ang aking paningin sa kanyang mukha at heto na naman po ang kakaibang pakiramdam ko. Hindi ako makahagilap ng sasabihin at bigla na lang akong napatitig sa kanyang gwapong mukha pababa sa kanyang matangos na ilong at napalunok ako ng matitigan ko ang mapupula nitong labi na tila ba ay nag iinvite na halikan ko ito. Ipinilig ko ang aking ulo at umakyat yata lahat ng aking dugo sa mukha dahil nakita nito ang pagtitig ko sa kanyang mga labi.

"You were saying?" He then asked while smirking. "If you want to kiss me, then do it. I'm all yours, baby!" At muli na naman itong kumindat.

Lihim akong nagpapasalamat dahil dumating na ang aming prof. Nagawi ang tingin ko sa katabi kong si Roche who's now grinning from ear to ear.

"His name is Angelow, just in case you want to know."

"Shut up!" Napipika kong ani rito na ikinahalakhak lang nito.

Buti na lang talaga at si Kaye lang ang kaklase ko dito sa subject na 'to dahil pag nagkataon na pati sila Camille ay talagang lagot na. Malalakas pa naman mang asar ang mga 'yon lalo na at ngayon lang ako tumiklop sa isang lalaki.

Hindi ko napigilang hindi tumingin sa kinauupuan ni Angelow and it was a wrong move dahil nahuli ko rin itong nakatingin sa akin.

Muli itong kumindat at nagflying kiss pa ang loko. "Tss! Akala mo ang gwapo gwapo." I murmur to myself.

"Yes, miss Kaye? You were saying?" Tawag sa akin ng prof ko.

"Nothing sir! I'm sorry." Hinging-paumanhin ko rito.

Jusko! Napalakas ata ang pagkakasabi ko kanina. Nakakahiya! Kasalanan talaga 'to ni Angelow. Humanda ka talaga sa ganti ko. Hindi pwedeng ako lang ang mapahiya. Bigla na lang ako napangiti dahil sa aking naiisip.

Muli akong sumulyap sa kinaroroonan nito at nginitian ito ng pagkatamis tamis kong ngiti na siyang ikinakunut ng noo nito.

Bestfriend Series 2: My One and OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon