Saturday. Oo alam ko na hindi ako pumayag sa date na sinasabi ni Gelow but there's in my heart na sana sunduin nga talaga ako nito. Alam ko na biro lang iyong pagyayaya niya pero umaasa ako na tototohanin niya iyon. Hays! Ang gulo ko ba? Hahah! Ako kasi naguguluhan din sa sarili ko e.
Kapag kasi wala siya, hinahanap siya ng aking paningin. Tapos pag nandyan naman, naiinis ako sa kahanginan niya. Hindi ko talaga maexplain e. Basta ang alam ko lang crush ko siya. Sigurado ako dyan.
Alam niyo yun? Gustung gusto ko siyang nakikita lalo na pag nakangiti siya. Makita ko lang kasi siyang nakangiti, sumasaya na din araw ko kahit hindi ako ang dahilan ng mga ngiti niyang yun.
Hays! Makapagluto na nga. Nagtungo na ako sa kitchen dahil ako ang nakatokang magluto ngayong araw. Nadatnan ko si Kaye na nakaupo sa couch while holding her phone at kinikilig pa ang bruha. Ini-stalk na naman siguro ang kanyang crush. Bakit ba kasi di na lang magpakilala. Tss!
I am busy preparing for the ingredients when someone knock on the door. Di na ako nag abala pang pumunta sa sala at pagbuksan ito dahil nandoon naman si Kaye.
"Oh naligaw ka? Tuloy!" Bungad ni Kaye.
Hindi ko alam kung sino ito dahil hindi naman nagsalita. Ipinagpatuloy ko na lamang ang pagprepare ng bigla na lang may nagsalita sa likod ko dahilan upang masugatan ako ng kutsilyo dahil sa gulat.
Mabilis ang naging kilos nito at hinugasan ang aking kamay na nagdurugo sa sink.
"Di ka kasi nag iingat e! Ayan tuloy, nasugatan ka." Wika nito sa akin habang nasa likuran ko at nakayakap sa akin habang hinuhugasan ang nasugatan kong kamay.
"E sa nanggugulat ka e! Bakit ka ba kasi nandito?"
"Diba may date tayo?"
"Hindi ako pumayag diba?"
"Wala kang magagawa. Pero since may sugat ka, sige. Bukas na lang tayo magdate. For now, maupo ka muna diyan at panoorin mo kong magluto."
"Marunong kang magluto?" Nagniningning ang matang ani ko.
"Oo naman. Hindi lang ako gwapo. Talented pa. Kaya pag ako naging boyfriend mo, ang swerte swerte mo. Isipin mo na lang kasi, sobrang gwapo ko na nga, mabait na, matalino na at talented pa. Kaya san ka pa?"
"Ang hangin po!" Then rolled my eyes.
"Okay lang na mahangin basta tatangayin ka papunta sa kin."
"Heh! Magluto ka na nga. Hindi iyong nagyayabang ka pa.
"Aye aye captain!" At nagsimula na nga itong magluto.
Pinagmasdan ko lang ito habang ekspertong naggagayak ng mga rekados. Maya maya pa ay nagsimula na ito. At dahil nakatalikod ito sa akin ay malaya kong nalalakbay ang likod nito.
"May abs ka ba?" Hindi ko napigilan ang aking bibig na magtanong.
Humarap ito sa akin at ngumiti ng nakakaloko.
"Ikaw ha? Pinagnanasaan mo ako." Humawak ito sa laylayan ng kanyang t'shirt at hinubad nito iyon. "Ayan! Pagsawaan mo abs ko. Pwede mo yang hawakan o kaya naman halikan."
"Ew! Magdamit ka nga. Wala kang abs."
"Anong walang abs?" Lumapit ito sa akin at bigla na lang kinuha ang aking kamay at dinala sa tiyan nito. "Ayan! Damhin mo ang abs ko."
"Fuck you!" I said.
"Later! You can fuck me as long as you want."
Napangiwi ako dahil sa narinig. Although natetemp ako pero nilabanan ko. "Letse! Lumayas ka dito." At pinagsusuntok ko ito sa dibdib.
"Hindi ka titigil o hahalikan kita?" Wika nito.
Natigil ako dahil sa sinabi nito at dahil umandar ang kademonyohan ko ay ako na mismo ang naglapat ng labi ko sa labi niya. Halatang nagulat ito at bago pa man ito makabawi ay tinigil ko na.
"You! Kiss! Me!" Di makapaniwalang anito.
"Yes!"
Bigla bigla na lang itong umalis at naiwan akong nagtataka.
BINABASA MO ANG
Bestfriend Series 2: My One and Only
Teen FictionWhen mahangin and mataray collide. Enjoy reading. neymless