A/N: Ang lahat ng pangalan at pangyayaring nabanggit ay work of fiction lamang. Hindi sinasadya ng author pagkakahalintulad nito sa ibang bagay. Credits sa mga larawang nagamit.
At ano, ahahaha. You may see typographical error but ez ok. Everyone have flaws. Tamad din akong mag-edit. SHS pako. Ahaha. Anyways enjoy! 💕
Date Started: March 16, 2019
Date Ended: UNKNOWN.-ReedLee
PROLOUGE:
"Nayyyyy! Nanayyyy! Patawarin niyoko!" Ani ni delilah na nanginginig ang mga paang lumapit sa kaniyang ina upang magpatawad, dahil nasulyapan niya ito sa bintana na parating na.
"Ano ba't ang ingay-ingay mo? Nakakahiya sa mga kapitbahay" sagot rin ng ina na kagagaling lang kina Madame Malou na naglaba ng sangkatutang na damit.
Inakap agad ni delilah ang ina ng matagpuan ito. Habang hawak-hawak ang PT ay dahan-dahang ipinakita iyon sa kaniyang ina.
"N-nay. Buntis po ako." Garalgal na pag-amin ng dalaga.
Isang sampal ang natanggap nito mula sa ina.
"Kumakayod akong maglaba sa kung saan-saan para lang matustusan ang mga pangunahing pangangailangan mo. Kahit hindi na ako makakain nak basta ikaw makakain ka!. Tapos eto madadatnan ko?! Na isusukli mo ?!" Galit na ang kaniyang ina.
"N-nay h-hindi ko naman po ito ginusto. Hindi ko nga rin po alam kung paano nangyari ito." Humahagulgol na ang dalaga. Ngunit di parin siya bumibitaw sa pagkahawak niya sa ina.
"Ano yon?! Natulog ka, tapos pagkagising mo buntis kana?! Ganon bayon?!"
"Nay hindi man kapani-paniwala pero ganun nga. Bigla nalang akong nagising sa isang silid na may dalawang lalaking katabi. Yun lang ang naaalala ko sa ngayon nay. Maniwala ka!" Totoo ang binabanggit ni delilah.
"Imposible. Nagdrugs kaba? Sa pagkakaalam ko wala kang kaibigan o kaaway man lang. Si cindy lang ang kilala ko. Naglilihim ka ba sakin?!"
"Nay kailanman alam mong hindi ako maglilihim sa'yo. Hindi ko talaga alam ang nangyari"
Napabuntong hininga nalang ang ina nito. Hindi na niya alam ang iisipin pero naalala niyang nagbakasyon ang dalaga. Kung saan dati sila nakatira noong nabubuhay pa ang kaniyang ama. Sa Ilocos Sur.
Oo wala silang pera. Pero pinagipunan iyon ng ina upang mabigyang bakasyon naman ang anak. Dahil sa doble-dobleng gawain nito. Sa skwelahan at sa paglalaba rin gaya ng kaniyang ina.
Hinayaan lang ito ng ina dahil alam naman niyang may kamag-anak roon ang dalaga kung saan pwedeng sasamahan siya at kung saan din siya titira.
Ang akala ng ina ay uuwi na ito pagkatapos ng tatlong araw ngunit isang linggo na ay wala pa ang dalaga. Ngayon araw lang din niya ito nakita. Kagagaling niya sa trabaho, oo nga't nakita na niya ang anak niya. Hindi na ito mag-aalala ngunit hindi maganda ang naiuwi ng dalaga. Masamang balita. BUNTIS ito. At di alam kung sino ang ama sa dalawa.
"Sabihin mo lahat ng naaalala mo anak. Mula pagkarating mo sa Ilocos sur hanggang sa pagkauwi mo dito" ani ng ina.
Habang nagkukwento ang dalaga, unti unti na nga niyang naaalala ang ilang mga detalye nang pangyayari, ngunit hindi ang pinakaimportanteng parte.
Umupo sila sa sofa at nagsimula na ngang magkwento ang dalaga.
All rights reserved 2019~
BINABASA MO ANG
Ang Mga Baklang Tatay Ng Anak Ko. [ON GOING]
RomanceSimpleng pamumuhay lang ang mayroon sa dalaga bago pa man niya makilala ang dalawa. Labandera lang ang ina at patay na ang kaniyang ama. One summer changed her life. Bumangon ang dalaga na may dalawang katabi sa kama. Tunghayin ang mala rollercoas...