~●~
[CHAPTER 1:UNANG ARAW SA ILOCOS]
DELILAH'S POV
"Delilah!"
Si cindy!
"Delilah namiss kita! Kumusta kan? /kumusta kana?/"
Si cindy ang nag-iisa kong pinsan na natatangi ko ring kasangga sa mga bagay.
"Okay nak lang mhut. Nabannog'ak gapo't byahe /Okay lang naman ako. Pagod dahil sa byahe/"
[A/N: Lengwahe po ito sa Ilocos sur. Huwag po kayong mag-alala. Konti lang ang gagamitin ko hehe.]
"Wow. Hindi kapadin nakakalimot"
Tignan motong babaeng to. Tatlong buwan lang naman nung huling nandito ako ah.
Yun ang araw na namatay ang aking ama.
Pagkatapos kasi ng libing ni papa, napagdesisyunan ni mama na pumuntang maynila. Para makapagtrabaho at makamove on nadin sa lungkot.
"Huwag mo nga akong irapan delilah. Tudukek ta matam ney! /Tusukin ko yang mga mata mo eh/"
"Tama na nga ang pag iilokano. Alam naman nating dalawa na filipino ang ating pangunahing pananalita"
"Hahahahaha oo na delilah. O siya halika na punta pa tayo sa bahay."
Kahit dito ako naipanganak at lumaki. Filipino parin ang ginagamit ko. Yun ang nakasanayan namin sa bahay dahil laking maynila ang aking ina. Nag adjust kami para sa kaniya.
Nakarating na kami sa bahay ni Cindy. Wala paring pinagbago.
Magulo pa din. Inirapan ko siya.
"Hehe, sensya na insan. Wala nakong oras para mag-ayos naging busy sa research namin."
Senior high nga pala kami ngayon. Grade 11 to be exact. Mag gegrade 12 na kami after ng summer na ito. Buti nalang at may nagmalasakit na kamag-anak saakin yun ang pamilya ni cindy. Sila ang nagoffer na magbayad sa mga fees ko sa eskwelahan. Matalino rin ako, kaya todo suporta sila, sayang daw kasi ang aking talino kung di ko gagamitin at isa pa, kami nalang kasi ni inay ang natitira. Kapatid ng aking ama ang nanay ni cindy, kaya magpinsan kami. Silang dalawa lang din ang magkapatid. Kaya wala na akong ibang kamag-anak sa side ni itay. Kay inay naman, hindi nagparamdam kahit kailan ang mga kamag-anak niya. Ewan ko kung bakit, wala raw kilala si inay na kamag-anak niya.
"Oo na. Ako din naman naging busy sa amin."
Inayos ko lahat ng mga gamit ko at malayang inihiga ko ang aking katawan sa higaan ni insan.
"Insan, balikan na lang kita mamaya. Matulog ka muna. Sigurado akong napagod ka"
"Ang bait mo ata ah. Ang pormal mo pa"
"Loka loka. Nagpapractice lang. Para sa trabaho. Baka yung mga bisita sa resort dumating na. Sige na matulog kana"
"Salamat cindy"
At ipinikit ko na ang aking mga mata.
SOMEONE'S POV
"Magsusundalo ka sa ayaw at sa gusto mo!"
I hate this when he is like this.
"Dad I don't want to!"
"Huwag mong ipahiya ang pamilya natin!"
BINABASA MO ANG
Ang Mga Baklang Tatay Ng Anak Ko. [ON GOING]
RomanceSimpleng pamumuhay lang ang mayroon sa dalaga bago pa man niya makilala ang dalawa. Labandera lang ang ina at patay na ang kaniyang ama. One summer changed her life. Bumangon ang dalaga na may dalawang katabi sa kama. Tunghayin ang mala rollercoas...