[CHAPTER 2: ROOM 312]
~●~
DELILAH'S POV
Alas dos na ng madaling araw di parin ako makatulog. Nakakairita na talaga yung nakita ko sa dalampasigan kanina. Ayaw netong maalis sa utak ko.
Hanggang sa sumikat na ang araw, mulat na mulat pa rin ang aking mga mata.
"Delilah, ang aga mo namang gumising"
"Ha? Ah Oo." Pagsisinungaling ko kay cindy
"Tara na't mag almusal sa baba, hinihintay na tayo ni mama, malamang masarap na naman luto non, andito ka eh. Saviour talaga kita pagdating sa mama ko."
"Baliw ka talaga cindy, sige na mauna kana, maghilamos lang ako ng mukha"
"Wow, ayaw mo lang maligo non ah. Aray!" Binatukan ko nga.
"Syempre para ano- para ayos. Dalaga na tayo cindy"
"Oh siya siya, bababa na ako. Bilisan mo ah, di ako makakasubo pag dika pa kakain, papaluin na naman ako ni mama"
"Wenla /sige/" sagot ko kay cindy at nagtungo ng banyo dito sa taas.
Dalawang palapag ito, kahit sa bamboo gawa ang bahay, parang moderno padin ang straktura.
Galing no?
May kuya kasi si cindy na architect. Nasa canada ito ngayon. Siya ang dahilan kung bakit nakakapag-aral ako at maayos ang buhay nina cindy kahit maagang nawala ang kanilang ama. Gusto kasi ng nanay ni cindy na kahit anong bahay basta gawa sa bamboo. Ewan ko ba kung paano naplano ng kuya ni cindy ang bahay. Ang ganda talaga. Kapag titignan mo ito mula sa labas. Ang simpleng-simple, pero kapag pumasok ka na, kala mo rest house sa isang isla.
Natapos na akong naghilamos, pero nakatunganga padin ako sa salamin.
"Grabe na eyebags ko. Jusko baka mahimatay ako mamaya, wala pa akong tulog" sambit ko sa sarili ko.
Narinig ko namang sumigaw mula sa baba si cindy.
"Hoy delilah! Gutom nako! Ayaw akong pakainin ni mama! Aray mang!"
Haha, sigurado akong pinalo na naman iyon ng kaniyang ina."Oo bababa na!" Sigaw ko din. At ako'y bumaba na.
Nagsimula na nga kaming kumain at nagtungo na kami sa nag-iisang playground dito.
"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko kay cindy.
"Upo muna, kakakain lang natin eh. Kakain kasi ulit tayo sa pupuntahan natin"
Aba tong babaitang ito.
"Makikikain lang naman pala tayo pinakaba mo pa ako kagabi"
"Birad! /other word for G*ga in Ilocos/. Syempre pagkatapos ng lafang mag eenjoy tayo sa- ay basta secret muna"
"Cindy"
"Halika na nga, gutom na ulit ako"
Tong babaeng to talaga. Walang minutong di gutom.
"Oo na" nagpahila na lang ako sa kaniya at dinala niya ako sa,
CLUB?!
"Hoy kailan pa nagkaroon ng club dito?! Teka nga, bawal tayo diyan!"
Pinatigil ko si cindy sa paghihila sakin.
"Ano ka ba, mag eenjoy nga tayo diba, tsaka para dikana NBSB."
BINABASA MO ANG
Ang Mga Baklang Tatay Ng Anak Ko. [ON GOING]
RomanceSimpleng pamumuhay lang ang mayroon sa dalaga bago pa man niya makilala ang dalawa. Labandera lang ang ina at patay na ang kaniyang ama. One summer changed her life. Bumangon ang dalaga na may dalawang katabi sa kama. Tunghayin ang mala rollercoas...