"Babe?"
Pag tawag niya saakin.Nandito kami sa mini garden ng school kong saan kami unang nagkita.
Nakaupo kami sa ginawa niyang upuan na kahoy habang nakaakbay siya saakin at nakahilig naman ang ulo ko sa balikat niya."Bakit?"
Tanong ko sa kanya at bahagyang iniangat ang ulo."What if buhay siya?
Babalik ka ba sa kanya?"
Malungkot na tanong niya.Hindi ako sanay na makita ang ganyang ekspresyon niya.
Nito lang mga nakaraang araw ko siyang madalas makita na malungkot.
Hindi naman siguro ito dahil sa mga nalaman niya tungkol saamin ni jake."Sino?"
Takang tanong ko naman sa kanya."Yung ex boyfriend mo.
Yung unang lalaking minahal at iniiyak iyakan mo ng matagal na panahon.Pano kong buhay pala siya babalik kaba ulit sa kanya.Iiwan mo ba ako."
Sa tono ng pananalita niya alam kong malungkot siya.Umayos ako ng upo tsaka ako huminga ng malalim.
Hindi ko alam kong bakit yung ang naging topic namin.Kung bakit binuksan niya ang tungkol sa bagay na yun.
"Anong klaseng tanong ba yan?"
"Wala naman gusto ko lang malaman.Gusto ko lang malaman kong sino ang pipiliin mo saamin kong sakali man na buhay siya."
Sabi niya habang nakatingala at nakapikit."Baliw na to.
Tatlong taon na ang nakalipas kong sakali man na buhay siya di sana bumalik na siya dito at hinanap ako.""Babe,hindi yan ang sagot na gusto kong marinig.
Tiningnan niya ako ng deritso sa mata.
Pipiliin mo parin ba siya kaysa sa akin?"Hindi ako kaagad nakasagot sa tanong niya.
Aaminin ko sa sarili ko na hindi parin nawawalan ng puwang si jake sa puso ko.
Pero aaminin ko na may nararamdaman narin ako sa lalaking nasa harapan ko ngayon."Alam kong sa isang kasinungalingan lang nag simula ang relasyon natin.At kaya ka lang naman pumayag na maging tayo dahil nangako ako sayo na tutulungan kita para makalimutan mo ang dating ex mo diba?Para tuluyan ka nang maging masaya."
Hindi ko alam kong umiiyak siya dahil sa pumipiyok na boses niya.
"Pero kung sakali man na bumalik siya handa akong ipaubaya ka sa kanya kong sa kanya ka magiging masaya.""Mahal na mahal kita babe."
Hindi ko talaga alam kong anong nangyayari sa kanya.
Wala akong makuhang sagot sa mga tanong niya.
"Kahit wala akong kasiguraduhan kong mamahalin mo rin ako patuloy parin kitang minahal.
Pero sana kahit papaano may nararamdaman karin saakin."
Dagdag niya pa."Ano bang mga pinag sasabi mo?
Dahil ba to sa mga nalaman mo tungkol saamin?"
Pinunasan niya ang mag luha sa kanyang mata tsaka siya tumingin ng deretso sa mata ko.Umiling iling muna siya tsaka ngumiti.
"Alam mo bang ikaw ang babaeng hinahanap ko."
Sabay banat niya.
Ngunit hindi ko makita sa mukha niya ang saya kapag bumabanat siya ng ganyang mga bagay.
Imbes na saya ay lungkot ang nakikita ko sa mukha niya.
Hindi niya man sabihin ay nararamdaman ko ito.Weird?
Ano bang nangyayari sa kanya."Tss."
"Kahit talaga kaylan abnoy ka eh noh.Para ka talagang bakla.
Kung gusto mo lang naman palang bumanat ng mga kaityusan mo di sana sinabi mo na,!"
"Hindi yung kong ano ano pang sinasabi mo."
"Kinakabahan tuloy ako saiyo e."Mahigpit niya akong niyakap.
"Pero yun ang totoo."
Sabi niya habang nakayakap siya sa akin."May problema ba?"
Nag aalalang tanong ko sa kanya."Wala naman."
"Sadyang Mahal na mahal lang kita."
Dahil sa sinabi niya ay dahan dahan rin akong gumanti sa yakap niya."Mahal na din ata kita."
Sabi ko habang ninanamnam ang mahigpit niyang yakap.Ang buong akala ko ay matutuwa siya sa sinabi ko ngunit kusa siyang bumitaw sa pagkakayakap ko at hinarap ako na lumuluha.
"Alam mo bang matagal ko nang gustong marinig ang salitang yan na mismong galing sayo./
-siya"Alam ko."
"Pero bakit ka umiiyak diba nga dapat masaya ka dahil nalaman mo na mahal narin kita."Hindi niya ako sinagot at muling niyakap ng mahigpit.
"Salamat.."
"Lets break up."Sabi niya at tsaka ako binitawan at lumakad papalayo ng hindi man lang ako tiningnan.
Dahil sa narinig ko ay kusang nag si unahan pumatak ang aking mga luha.
Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari.Basta ang alam ko lang ay ang sakit na nararamdaman ko dahil sa sinabi niya.
.............
A/N.
This is not a beggining of my story.
So mas mabuti po kong basahin niyo sa simula ng maintindihan niyo ang mga nangyayari.Wala akong maisip na magandang prolouge kaya naman naisip ko na mag cut ng isang chapter kong saan magkakaroon kayo ng palaisipan kong ano ang mangyayari.
Enjoy.
-alagadnimaxine-
YOU ARE READING
As Long us You Loved Me
Fanfiction😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😆😆😆😆😆😆😆just enjoy reading guyssssss☺☺☺☺☺