chapter 9

9 1 0
                                    

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na nanggagaling sa maliit na siwang ng bintana namin.Tinatamad man ay bumangon na ako.
Tiningnan ko ang relo namin kong anong oras na ngunit ganun nalamang ang pagkagulat ko nang makitang quater to 8 na.

Shit late na ako!

Yung antok na nararamdaman ko ay bigla nalang nawala ng magsimula akong tumakbo papunta sa kwarto ko.
Dali dali akong nag hanap ng uniform tsaka iba pang gamit na kakaylanganin ko para sa pag pasok.

Ng akma na akong bababa ay nakita ko ang kwarto ni Maurinee na nakasarado pa.
Lumapit ako don at ng akma ko ng pipihitin ang kanyang door knob ay bigla nalang itong bumukas at tarantang Maurinee ang bumungad saakin.
Sa sobrang pagmamadali niya ay hindi niya ako napansin kaya naman nagkabangaan kami at parehas kaming natumba sa sahig at nag kalat ang dala dala kong mga damit.

Ano ba Maurinee hindi mo ba ako nakikita!
-sabi ko at tsaka ko pinulot isa isa ang mga gamit ko.

Baks late na tayo!
-Maurinee

Alam ko!
Marunong naman akong tumingin ng oras.
-ako

Mauuna na akong maligo!
At dali dali siyang tumakbo pababa.

Hoy anong mauuna ako kaya ang nauna sayo magising!
Hawak hawak ko siya sa damit niya habang pilit niya itong tinatangal.

Eh madali lang naman akong maligo.
At tsaka dapat kanina kapa naligo tamo tuloy late na late na tayo.
-sabi niya habang nagpupumiglas sa pag kakahawak ko.

Wag mo nga akong sinisisi.
Hindi ko kasalanan kong ngayun ka lang din nagising.
Para na kaming mga bata na nag hihilahan ng damit para lang makapasok sa banyo para makapag ligo.

Bitawan mo nga ako!
Don ka sa lababo maligo.
At tsaka niya hinawakan ang dalawang kamay ko dahilan para mabitawan ko siya at makatakbo papunta sa loob ng banyo.

Arrgggggg!!
Inis na sigaw ko.

Bleh!
Pagdidila niya saakin habang nakasilip siya sa siwang ng pintuan.

May araw karin saakin Maurinee!
Sigaw ko sa kanya.

Wala na akong nagawa kundi hintayin siyang lumabas.
Nauna na rin siyang umalis dahil may dadaanan pa daw siya.

Bago ako umalis ng bahay ay nagdala na ako ng extrang damit para kung sakali man na mangyari yung kahapun.

Haisst.
Nakita ko lang naman ang jacket na suot ko kahapon.
Kinuha ko ito at inilagay sa isang paper bag para dalhin sa isang laundry shop.
Nakakahiya naman sa bwesit na lalaking yun kong hindi ko ito lalabhan.

Habang naglalakad ako ay biglang may nag pop na message sa telepono ko.

Dont forget later darling .
See you.

-mama

Tinawagan ko siya para kumbinsihin na wala akong boyfriend.

Yes baby?
Do you need anything?
Bungad niya agad saakin.

Ah wala po.
Ma tungkol po sa sinabi niyo kagabi,
W-wala naman po talaga akong boyfriend gawa gawa lang po yun ng tropa namin,katuwaan lang po hehehe.
Pag papalusot ko,baka sakaling maniwala.

Aisshh wag nang palusot ng palusot nak ha.
I want to meet her later ok or uuwi ka na dito.
-mama

Ma naman eh!
Hindi nga po totoo yun wag niyo ng ipilit hindi ko nga po kilala yun eh.
Tsaka ko ibinaba ang tawag.
-gusto ko na tuloy maiyak dahil hindi kona alam ang gagawin ko.

As Long us You Loved MeWhere stories live. Discover now