Tazanna's pov
Pagka rating ko ng bahay ay agad kong inalis ang jacket na suot ko at deretsong pumasok sa banyo.
Nilinis ko agad ang sarili ko dahil sobrang lagkit na ng pakiramdam ko.Habang hinahayaan kong dumaloy ang tubig sa katawan ko biglang pumasok sa isip ko ang nangyari kanina.Napakit ako habang nakakuyum ang kamay dahil sa inis.
Naiinis ako sa madaming bagay.Bukas na ang iksaktong araw ng ikadalawang taon ng pagkawala niya.
Sa dalawang taon na nagdaan hindi parin kita makalimutan.Bulong ko sa sarili ko habang unti unti kong nararamdaman ang lungkot at bigat sa aking pakiramdam.
Ipakita ko man sa mga tao na nakalimutan na kita ngunit kahit anong kumbinsi ko sa sarili ko na kalimutan ka di ko magawa gawa.Minadali ko ng tapusin ang pag ligo ko dahil gusto ko ng kumain at mag pahinga.
Pakiramdam ko sobrang haba ng naging araw ko ngayun dahil narin siguro sa mga nangyari.Pagkabihis ko ay agad akong pumunta sa kusina para maghanap ng makakain.Hindi ko na nagawang suklayin pa ang buhok dahil sobrang gutum na talaga ako.
Ng makarating ako sa kusina ay deritso kong binuksan ang mga kaldero.Pero ganun na lamang ang pagkabigla ko ng maski isa doon ay walang laman.Hindi pa kami nakakapag grocery kaya kahit instant eh wala.Hindi pa naman ako marunong mag luto.
Hindi ko alam pero bigla nalang akong naiyak.
Umupo ako sa gilid at niyakap ang dalawang tuhod habang umiiyak.Ilang minuto pa ang lumipas ng biglang kong narinig ang pag bukas ng pinto.
Baks?!
Si Maurinee.Hindi ko siya sinagot dahil at hindi gumalaw sa pwesto ko.
Ng pumasok siya sa kusina ay agad niya akong napansin.Oh bat nandiyan ka?
Tanong niya ulit saakin pero hindi ko siya sinagot yakap yakap ko parin ang dalawa kong tuhod habang nakayuko at sumisinghot singhot.
Tumayo ka na nga diyan para kang bata!Hindi parin nawawala yang ganyan mong ugali kapag nagugutum ka.
Dagdag niya pa pero dedma ko parin.
Tatayo ka diyan o hindi kita bibigyan nitong pagkain na binili ko!?Paborito mo pa nam------Hindi ko na siya pinatapos nang sasabihin niya at dali dali akong tumayo ng marinig ko ang salitang pagkain.
PAHINGEEee.
Sigaw ko sa kanya at agad kong pinunasan ang luha ko tsaka umupo sa harapan niya.Banana Q,Fissball,kwek kwek at siomai ang dala niya.
Hindi ko na siya inantay na sumagot at sinimulang lantakan ang pagkaing dala niya na lahat paborito ko.
Isa ito sa mga impluwensiya ni jake saakin ang kumain ng streetfood.
Masyadong Istrikto si mommy sa mga kinakain ko kaya naman hindi ako kumakain ng ganitong pagkain NOON.Untill makilala ko si jake at maging kami halos lahat ng hindi ko kinakain,ginagawa ay nagawa ko ng kasama siya.Nakakadalawang stick na ako ng banana q pero pansin ko kay Maurinee na hindi siya kumakain.
Ayaw mo?
Tanong ko sa kanya habang punong puno ang bibig.Binili ko talaga yan sayo dahil alam kong hindi ka nakakain ng tanghalian.
Sagit niya habang tiningnan akong kumain.
Nag thumbs up lang ako sa kanya dahil halos hindi na ako makapag salita dahil sa laman ng bibig ko.Naala ko kasi na walang pagkain dito kaya naman binilhan na kita dahil paniguradong ngangawa ka naman na parang bata kapag gutom ka.
-maurineeKilalang kilala na talaga ako ni Maurinee alam niya kong kailan ako na gugutum.
Thankful talaga ako dahil katulad niya ang naging kaibigan ko.Kahit may pa ka buang ni minsan hindi ako pinabayaan.
YOU ARE READING
As Long us You Loved Me
Fanfiction😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😊😆😆😆😆😆😆😆just enjoy reading guyssssss☺☺☺☺☺