Chapter 6 - Day 4 (1/2)

95 13 0
                                    

Cyrus' POV

Nandito ako sa harap ng bahay nila Zoey at naka-ready na para mag-gala ulit. Bakit ako nandito? Para sunduin nalang siya, kasi naka-ilang text, tawag at message sa facebook niya ay hindi siya nagrereply. Kaya ayan nandito ako at pipindutin na ang doorbell nila.

[Author: Sus! Ayaw pang sabihing concern ka lang talaga! Hahaha!]

"*Ehem*"

May nagbukas ng gate nila. Isa sa kanilang katulong.

"Si Zoey?" tanong ko agad.

[Author: Ayieeeeeee~!]

"Ah, pumasok po muna kayo." sabi ng katulong nila at pinapunta ako sa sala at bumungad sakin ang ate niyang si Mina na mukhang aalis.

"Hi!" bati niya sakin.

"Si Zoey?" Tanong ko ulit.

[Author: Concern talaga to. Hindi man lang binati yung ate ni Zoey. Hahaha!]

"Bakit? Anong kailangan mo sa kanya?" tanong ng ate niya. Sinabi ko naman na..

"May date kami remember? Pang apat na araw na namin ngayon." mahinahon kong sabi sa kanya.

"Owww. Im so sorry to say that my sister has a fever. Excuse me." sabi niya na pormal at umalis sa harapan ko.

"Aalagaan ko siya." Tatlong salita na sinabi ko sa ate niya at ikinagulat ko mismo. O_O

"Alright! Have a nice day Cyrus." Paalam niya sakin at umalis na.

WTH. A-anong s-sinabi ko?

No choice ako. Kawawa yung isa diyan. -,-

Tinanong ko sa isa sa mga katulong nila kung nasaan ang kwarto ni Z and I found out na sa 3rd floor pa -___-

Habang umaakyat ako sa hagdanan nila ay kapansin-pansin na agad ang laki ng bahay nila. Mas malaki pa samin. At ang ganda ng bahay nila or I say na mansion nila.

Nasa second floor na ako at kung sa unang palapag nila ay nanduon ang recieving area nila at kusina. Dito naman ay parang mga game room at nakalagay sa mga pader ang mga certificates, awards at iba pa ns natanggap ng pamilya nila at sa isang side nakita ko ang litrato ng ate ni Z, si Mina. Para sakin parang pamilyar ang litratong to nang ate niya. San ko ba to nakita? Ahh bahala na. At katabi nun ay yung kay Z naman. Hindi ko akalain na ganun pala kaganda si Z.

[Author: Yieeeeee~ Ang ganda mo daw oh Zoey!]

Nagpatuloy ako sa paglalakad at umakyat na muli ako ng hagdanan at pagkarating na pagkarating ko sa ikatlong palapag nila ay sigurado akong nandito na ang mga kwarto nila nang nahagip ng mga mata ko ang family picture nila sa kabilang dulo. Lumapit ako at tinignan ito.

So sila yung mga magulang ni Z na nasa ibang bansa at syempre nakita ko ang magkapatid. -.-

Hinanap ko na yung kwarto ni Z. Sabi ng mga katulong nila ay pagkarating na pagkarating ko dito ay nasa kanan, sa dulo.

Nang sigurado na akong eto ang kwarto niya ay kumatok na ako. Pero walang sumagot. Kumatok ulit ako ng kumatok pero naalala ko ang sabi ni Mina na may sakit nga pala siya.. Hinawakan ko ang doorknob at inikot ito. Bukas. Pumasok na ako at nakita kong nakahiga si Z at mahimbing na natutulog. Lumapit ako at hinawakan ang noo niya. Napamura na lang ako sa sobrang init niya. Bakit walang nag-aalaga sa kanya? Sobrang taas ng lagnat niya.

Lumabas agad ako ng kwarto niya at saktong may nakita akong katulong nila na naglilinis, sinabihan ko agad ito na kumuha ng maligamgam na tubig, towel at gamot. Ganto ba sila kapabaya sa amo nila at ganito rin ba si Mina kay Z?!

FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon