Chapter 7 - Day 4 (2/2)

71 13 2
                                    

Zoey's POV

Nandito kami ngayon sa rooftop namin. Dinala ko siya dito para ipakita yung mga alaga kong halaman. Kasi maliban sa garden namin sa baba ay meron pa kami dito sa rooftop.

"So.. Ikaw ang gumawa nito?" tanong ni C

"Yap. ^___^"

"Hindi ko alam may talent ka din pala sa ganito haha!" nice napatawa ko ulit siya :)

"Kaya ko ginawang garden to kasi kapag tumatambay ako ang panget ng view hahaha!" sabi ko sa kanya habang tawa ako ng tawa.

"Z.."

"Hm?"

"Sabihin mo nga sakin lahat ng first time mo." ano nanamang kalokohan kaya to?

"At bakit?"

"Basta." Yun lang yung sabi niya pero gusto ko rin namang sabihin sa kanya para malaman na niya din.

"First time." Panimula ko.

"Sa totoo lang ang dami kong first time ngayon." Tuloy ko.

"First time kong magkaroon ng kaibigan."

"Weh?" ay.. panira ng moment?

"Pwedeng ako muna?" tanong ko sa kanya sabay taas ng isang kilay.

"Go." Tsk.

"First time kong magkaroon ng kaibigan at ikaw iyon. First time kong.. magka-gusto sa isang tao--"

"Alangang sa hayop. Tss -_-"

"Patapusin mo nga muna ako!" sigaw ko pero hindi ako galit.

"Ok ok. Hahaha!" Bakit ang cute mo C?

"First time kong magkaroon ng kaibigan, first time kong magkagusto sa isang katulad mo, first time kong sumaya ng ganito, first time kong pumunta sa scream park, first time kong yumakap sayo hahaha! First time kong makipag-holding hands, first time kong magkaroon ng aso, first time na may pumasok na lalaki sa kwarto ko, first time na may nag-alaga sakin sa oras na may sakit ako, first kong ipakita ang garden na 'to, first time kong masaktan at first time kong magmahal." sabi ko sa kanya habang nakatingin sa mga mata niya at ganun din siya.

Wala pa din nagsasalita sa amin pagkatapos kong sabihin iyon. Pero siya rin ang bumasag ng katahimikan.

"First time mong ipakita ang garden na to??" tanong niya na sinagot ko naman agad.

"Ah.. Oo. Hindi ko pa to pinapakita sa kanila kahit kay ate. Kasi sabi ko hindi ko pa ayos to pero yung totoo matagal ng tapos. Gusto ko lang kasi na ikaw yung unang makakita nito at sabay nating titignan ang sunset!" Masiglang sabi ko sa kanya. Tama kayo ng nabasa, gusto yun ang gawin namin ngayon dahil sa hindi kami nakalabas dahil may sakit ako pero magaling na ako ngayon! Hahahaha! Kay hyper na ulit ako!.^_^

"Ahh, so ako palang talaga. Hmmm." tumayo siya at naglakad lakad na para bang ini-inspect yung garden ko.

"Pano kung siraiin ko tong garden mo?" dagdag niya sabay... sabay... bunot ng white rose..

"WAAAAAAAAAAAH C HUMANDA KA SAKINNNNNNN!" sabi ko at sinimulan kong habulin siya.

"Wag mo nga akong habulin!" sabi niya

FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon