Chapter 10 - Day 7

70 9 0
                                    

Zoey's POV

"Zoey good luck." sabi sakin ni ate bago ako lumabas ng bahay.

"Kung ano man ang sabihin, o isagot niya sayo. Okay ba o hindi. Yun na talaga yun. Pero alam kong mahal mo na si Cyrus." Nginitian ko na lang si ate at umalis na.

Pagkalabas ko ay nakita ko si C sa loob ng kotse niya. Wow ang gentleman niya talaga -_-

"Hi" sabi ko sa kanya.

"Hello" sabi naman niya.

"Tara na nga!" sabi ko.

Ok. Pupunta kami ngayon sa beach at sa MOA dahil gusto kong kumanta sa may videoke and sumakay sa ferris wheel doon dahil air conditioned yun eh. Hahaha!

"First stop?" Sinabi ko naman na sa beach.

"Okay." sagot niya. Kinuha ko naman si DP sa may likod at kinandong.

"Weeeeee~ magbe-beach tayo DP ^___^" sabi ko dun sa aso ko.

After 3 hours....

"We're here." Sabi ni C kaya tinanggal ko na yung seatbelt ko at bumaba nang buhat-buhat si DP =)

"Waaaaaah" nasabi ko na lang pagbaba ko. Ang hangin kasi..

Pumasok na kami after magbayad ni C ng entrance fee.

"Ano bang gagawin natin dito?" tanong niya.

"Magpo-photo shoot! ^___^"

"Kaya pala may dala ka ngayon na DSLR -_-"

"Hehehehe. Tara na kakanta pa ako." sabi ko.

"Diyan kayo mag-pose ni DP sa may puno" sabi niya.

Nag-pose naman ako ng normal lang habang hawak ko sa tali si DP.

"Ok." sabi niya.

Nakakapagod din palang mag pose hahaha!

"C ikaw naman!" sabi ko pero ang tanging narinig ko lang ay 'Ayoko' :3

"Sige na~" pilit ko.

"Ayoko nga Z."

"Tayong tatlo na lang *beautiful eyes*"

"Tss. Sino naman kukuha satin?"

Imbis na sagutin ko yung tanong niya ay lumapit ako sa isang babae. Siguro mga ka-age ko lang.

"Uhm.. pwede niyo po ba kaming picturan ng boyfriend ko?" sabi ko.

"Ah sige miss." sabi niya.

Bumalik kami dun sa pwesto namin kanina at sabi ko kay C na yung babae yung kukuha saamin.

Nag-pose na kami.

1.... 2.... 3....! Click! (Echos lang XD)

"Thank you." sabi ko dun sa babae.

"Welcome. Bagay na bagay kayo ng boyfriend mo." sabi niya sakin na ngiteng-ngite.

"Ah.. Hahaha.." sabi ko na lang. At umalis na yung babae.

Na-upo ako sa may buhangin...

"Boyfriend pala ha?"

"Ha? Anong sinasabi mo?"

"Yung sinabi kanina ng babae.."

FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon