Chapter 60- The exe's meet up

362 11 6
                                    

Yami  Pov

 Isang linggo na din ang nakalipas mula noong huli naming kita ni Gerald at nagpapasalamat ako kasi di na siya bumalik sa restaurant pero yung kaibigan niya lang ang palagi bumabalik doon para kumain at as usual palagi lang blanko at seryoso ang mukha niya pero yung mata niya di maitatago ang pag ninging nito habang kumakain ng cake. andito na ako ngayon sa paaralan araw ng lunes  at parang ang busy-busy ng mga tao na di ko malamang sa kung anong dahilan. Alas syete ang pasok ko kaya as usual ulit di ako nagpasundo ky von,nag text lang ako sa kanya na mauuna na ako sa ditto sa SU. Noong sabado nga pala nagbonding kami nina ate,kuya,yaya,ynna,ako at si von kasama ang random gang,oo sobrang saya namin parang almost perfect na ang lahat nakakaingit nga si von ei kasi sa kanya palagi lumalapit si ynna, at palagi sila nagkikilitian samatalang ako palagi inaasar ni kuya yuki nakakainis talaga.!. si andrea,romeo,at keesha dumating din pero msyado na silang late busy kasi si ands sa pag-aasikaso ng kasal niya at ang loka ginawa pa talaga akong abay sa kasal niya si keesha kasi yung bride’s maid niya samantalang si von naman ang bestman ni Kevin,pumasok na ako sa pe class ko at mabuti di ako late,pasado alas syete ng umaga na kasi ako dumating traffic na kasi,dahil inaayos yung daan.una lang ata ako ng limang minuto ky maam bago siya dumating.

“good morning class” bati ni maam,na siya naman sagot naming “good morning maam” sabay naming sabi

“okay.. since malapit na ang finals, di ko na lang kayo bibigyan ng project for pe,at finals test but? You have to participate in our activities this coming founders day” sabi ni maam na siya naman kinataka ko

“maam? Ano pong ibig niyong sabihin?” tanong ng kaklase ko

“you need to join tayada festival,to compete to the other department,I will give each one of you a 20% of your grades” sabi ulit ni maam

“maam ano po ba ang theme ng tayada this year?” tanong ni Kimberly

“sa pagkaka-alam ko its about samba dance” sagot ni maam

“oww.. talaga maam! Saan po kami magpapalista maam?” tanong ni Rachel

“just right your name in the one whole sheet of paper,doon naman sa hindi sasali bibigyan ko kayo ng projects at sasayaw kayong mag-isa about recreational dance during signing of clearance” sabi ulit ni maam na kinalaki ng mata ko, so? Kailngan talaga sasali ako? No choice na ba talaga? Ayoko sana sumali sa tayada fest nay an dahil di ako marunong sumayaw pero mas nakakahiya naman kung ako lang mag-isa ang sasayaw ng recreational dance at wala naman akong alam na recreational dance no.. kaya doon na lang ako sa tayada fest.

“maam kailan po ba ang screening sa tayada?” tanong  naman ng isa ko pang ka klase

“ngayong hapon na doon sa cba court mamayang alas kwatro ng hapon” sabi ni maam

“maam? Open bay an sa lahat ng courses at level?” tanong ulit ni Kimberly

“yes!..kung sino yung willing na sasali ay papasalihin naman but? Nag meeting lahat ng pe teacher na mas prioritize na isali ang may mga estudyanteng may pe subjects at bilang condition noon ay may  20% grades kayo makukuha  at no exam and project for finals” sagot ni maam,tumahimik na kami,siguro wala na silang itatanong “wala nab a kayong tanong?” si maam

“no maam” sabay na sabi namin

“okay.. I will dismiss you earlier dahil mag memeeting pa kami ng mga faculties para sa activities na gagawin bukas ng hapon, kung sino yung nakapaglista na maari na kayong lumabas”sabi ni maam

Dahil sa tapos na akong magpalista ay lumabas na ako ng room tiningnan ko naman ang phone ko kung may text ako at meron nga

“good morning baby” si von

Mr.gangster Meet The Single MotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon