After countless jamming, talking about our lives, coffee meet ups and hang outs, I think mako-consider ko ng close friend or even best friend si Byron. I mean wala naman kasi ako ibang nakakasama or kakilala aside from my colleagues and Saab. Also after ng first meeting namin for some reason nag-click na lang kami agad. Nakapagkwentuhan pa kasi kami after ng class tapos hanggang sa nasundan na lang.
Don't get me wrong pero magkaibigan lang talaga kami plus nalaman ko na girlfriend nya nga yung girl na kasama nya noon nung nakita ko sya nung papunta ako ng grocery store. Also they've been together for 9 years! Imagine halos isang dekada na din yun. Wow! Though madalas pa din kami mapagkamalan na mag boyfriend and girlfriend ni Byron kasi madalas din kami magkasama tapos ini-invite nya din ako sa mga shows nya since he is a theater actor/model. Medyo ang weird nga e kasi mas madalas pa kami magkasama kesa sa girlfriend nya na si Crisha. I asked him one time kung hindi ba nagagalit si Crisha pero sabi nya lang na hindi naman daw atsaka madalas daw kasi busy yun sa work kaya hindi din sila madalas magkita.
Basta ayun ganun lang kami ni Byron sa halos isang taon namin na magkakilala at magkaibigan. Nakakatuwa nga e kasi ang dami namin common interests atsaka first time ko magkaroon ng kaibigan na sobrang comfortable ako yung tipong I can say everything to him without any fear of being judge and ganun din naman sya sa akin I mean nakakapag rant sya, nasasabi nya lahat ng nafi-feel at frustrations nya ng walang problema. Saka feeling ko mas understanding sya sa akin since mas matanda sya sa akin ng 4 years hahaha
8:00 pm
Kumakain lang ako ng take out habang nanunuod ng series ng biglang mag vibrate yung phone ko. Pagka tingin ko si Byron yung tumatawag.
"Hello?" Sagot ko sa kanya pero silence lang yung naririnig ko sa kabilang linya.
"Byron? Hello?" Hindi pa din sya nagsasalita. Nakakarinig ako ng paghinga nya pero hindi ko pa din maintindihan bakit di sya nagsasalita.
"May problema ba?" Tanong ko.
"Ahh..Lili labas tayo oh? Sunduin kita." Nakarinig ako ng buntong hininga mula sa kanya kaya mas lalo akong nag-worry.
Shocks ano kayang nangyare dito?
"Osige magready lang ako. Text mo ako kapag nandito ka na sa tapat."
"Osige. Bye."
"Bye. Ingat ka ah." After nun binaba nya na yung phone.
Tumayo ako mula sa couch tapos niligpit ko lang yung mga pinagkainan ko and then nagready na ako. Nagsuot lang ako ng black skinny jeans and white shirt tapos nag converse lang ako para casual lang. Maya-maya pa ay nagvibrate na yung phone ko. Si Byron yung nagtext at nasa labas na daw sya. Kinuha ko lang yung black leather bag ko tapos lumabas na ako ng kwarto papunta ng front door. Pagkabukas ko ng pintuan nakasandal lang sa wall si Byron at nakayuko.
"Byron.." Tawag ko sa kanya. Napaangat naman sya ng tingin sa akin tapos tumitig lang sya ng ilang segundo tapos nagulat ako nung bigla nya akong niyakap.
"Lili.."
"Hmm?" I'm not sure if I heard it right or I'm just imagining things but I think I heard him sob.
Umiiyak sya?
"Wala na kami ni Crisha."
BINABASA MO ANG
The Way You Look At Me (short story)
Short StoryUmuulan sa labas ng Coffee Shop kung saan madalas kami magkita. Magkatabi kami sa upuan. Pareho kaming tipsy pero kahit ganun aware pa din ako sa lahat. Nakasandal sya sa balikat ko habang nakatitig sa kawalan. Nangingibabaw yung tunog ng ulan pero...