Anxious

11 0 0
                                    


"Hayyy kapagod!!" Sabi ko pagkalapag ko ng bag sa sahig atsaka ako umupo sa may couch.

"Grabe ang tagal ng biyahe natin noh. Buti na nga lang at hindi traffic since Sunday naman ngayon." Sabi ni Byron na kakaupo lang din sa couch katabi ko.

Kakauwi lang namin ngayon sa house ko pagkagaling namin sa Puerto Galera. Maaga yung schedule ng dating ng boat namin pabalik ng Batangas e kaya medyo maaga din kami nakauwi ngayon ng Manila. Okay na din yun para naman makapagpahinga pa kami.

"Back to reality nanaman. May work na ulit bukas." Sumandal ako kay Byron kasi medyo nakakaramdam ako ng antok

"Mag off ka muna kaya bukas? Para makapahinga ka lang."

"Sus gusto mo lang ako ma-solo e haha"

"Actually magandang idea din naman yun. Saka love..pwede ba akong mag sleepover dito?" Napalayo ako sa kanya kasi medyo nagulat ako sa tanong nya. Medyo lumayo ako ng slight kasi naalala ko bigla yung sinabi ni Saab na sexy time daw nila.

"Ah.. Ehh.. Sleepover? Nako..hindi ka pa ba nagsasawa sa mukha ko? Buong weekend na tayo magkasama." Sabi ko tapos medyo umusog pa ako ng palayo ng kaunti.

"Love, may problema ba? Bakit bigla ka lumalayo?" Sabi nya na medyo naguguluhan

"Ha? Wala. Wala naman problema. Medyo mainit lang kasi hehe teka nga hindi pala nakabukas yung aircon." Tumayo ako sa couch at hinanap yung remote ng aircon.

"Nasaan na ba yun? Dito ko lang lagi nilalagay sa lamesa yun ee." Sabi ko na medyo hindi mapakali.

"Love, eto ba yun?" Tanong ni Byron at pinakita yung remote na hawak nya.

"Ayan! Saan mo nakita?" Lumapit ako sa kanya para kunin yung remote. Pero bigla nya lang ako hinawakan sa wrist at hinila ako palapit sa kanya hanggang sa napaupo ako sa lap nya.

"Nakapatong dito sa side table mo." Bulong nya sa akin tapos pinindot nya yung remote at bumukas nga yung aircon.

"Okay. Thank you." Tatayo na sana ako kaso pinulupot nya yung braso nya sa bewang ko tapos pinatong nya yung ulo nya sa likuran ko

"Love, ano nga kasi yung problema? Bakit parang bigla kang lumalayo?"

Sasabihin ko ba? Pero nakakailang kasi ee. Hay nako hindi pwede to. Kailangan sa relationship yung pagiging open nyo diba sa kahit anong topic.

"Ano kasi..."

"Hmm?"

"Nung nasa Puerto Galera kasi tayo may mga napag-usapan kami ni Saab..about sa relationship. Tapos nabanggit nya nga na importante daw sa isang couple yung ano..."

"Yung?"

"Ihhh alam mo na yun. Basta yung ano."

"Ano nga kasi hahaha"

"Nakakainis ka naman ee. Gets mo na yun!"

Naramdaman ko na bumitaw si Byron sa pagkakayakap sa akin tapos tinapik nya yung side nya ng couch para sabihin na umupo ako sa tabi nya. Pagkaupo ko sa tabi nya medyo naiilang pa din ako kaya hindi ako makatingin sa kanya.

"Love, tignan mo ako." Nung hindi pa din ako nag-aangat ng tingin sa kanya ay hinawakan nya na yung chin ko para iangat yung mukha ko para magkaharap kami. Pagtingin ko sa kanya ay nakangiti sya ng nakakaloko.

"Wag mo akong tatawanan nakakainis ka."

"Hindi ako natatawa sayo, love. Hindi ko lang mapigilan hindi mapangiti kasi ang cute mo haha" sabi nya tapos pinisil nya pa yung cheeks ko dahilan para hampasin ko sya ng mahina sa braso nya

"Pero seryoso na..importante ba talaga yun? Yung sinabi ni Saab?"

"Well sa totoo lang, Oo. It helps sa relationship."

Shocks. Birheng Maria. ><

Ginawa nya na kaya yun?

DUH! Galing sya sa 9 years relationship.

"So..." Yun lang yung nasabi ko kasi kinakabahan ako bigla. Hinawakan naman ni Byron yung kamay ko at pinisil ito ng bahagya.

"Pero hindi naman kita pipilitin gawin yun e kung hindi ka pa ready. Makakapaghintay naman yun. Kahit gaano pa katagal."

"Totoo ba yan?"

"Oo naman, love. Syempre hindi naman kita pipilitin gawin yung bagay na ayaw mo o hindi ka pa ready."

"Hayy.." Napanuntong hininga na lang ako. Whew! Kinabahan ako dun!

"Kaya wag ka ng kabahan dyan hahaha wag mo na muna isipin yun."

"Pero kasi syempre...boyfriend kita ee. Gusto ko naman na ikaw yung pagbigyan ko hindi yung puro ako na lang yung tanggap ng tanggap."

"Ehh pwede mo naman gawin yun sa ibang paraan. Yung pagpunta mo para manuod ng shows ko malaking bagay na sa akin yun. Masaya nako."

"Bakit ang bait mo sa'kin? Baka mahulog na ako lalo nyan." Sabay kiss ko sa cheeks nya dahilan para mapangiti sya

"Don't worry sasaluhin naman kita ee hahaha"


After ng awkward na usapan na yun nag nap na lang kami saglit sa couch at pumayag na din ako na mag sleepover sya sa bahay ko. Nag text na lang din ako sa company namin na hindi muna makakapasok kinabukasan. Hindi ko matiis yung request ni Byron e na mag-leave muna ako sa work kahit isang araw haha

The Way You Look At Me (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon