It's been a year simula nung incident sa bar kung saan nag-open up sa akin si Byron about sa break up. So far mukhang okay naman sya..syempre nung umpisa nahirapan sya pero ngayon parang unti-unti nagiging okay na sya. Medyo naging busy din sya sa work kasi nagrerehearse sya para sa new theater character na gaganapan nya. May mga modeling jobs din syang kinuha which is good kasi at least nakatulong yun para kahit papaano ay ma-distract sya at makapag move on.Ngayon nga na single na sya mas madami syang free time lalo na kapag weekends or kapag may break sya sa work kaya naman kung saan-saan na din kami pumupunta. Nakwento ko kasi sa kanya na ang dami ko pang mga bagay na hindi nagagawa kasi nung student pa lang ako hindi naman ako nakagala masyado kasi masyadong focused sa academics. So he suggested na gawin namin lahat ng things na gusto ko i-try like going to concerts, music festivals, road tripping, and traveling sa iba't-ibang places dito sa Philippines.
So far nagawa na namin makapunta sa mga concerts and music festivals which is sobrang saya and memorable talaga. Tapos nung birthday ko sinurprise nya ako ng road trip sa Tagaytay tapos nagpunta kami sa Sky Ranch. And this weekend naman balak namin mag out of town papuntang Puerto Galera kasama si Saab pati yung boyfriend nya na si Gio.
"Nagwo-worry ako feeling ko nag-over pack ako ng gamit ko." Sagot ko kay Byron
"Ilang bags ba ang dala mo? 3 days and 2 nights lang naman tayo."
"Isang travel bag lang naman saka yung dala ko palagi na leather bag na maliit."
"Eh ok lang naman pala. Saka mas ok na yung sure ka."
"Sabagay. Grabe nakaka excite! First time ko mag out of town with friends haha!"
"Ang tagal na nga din nung huling nag travel ako e. Alam mo naman busy sa work."
"Kaya nga e."
"Basta magpapakasaya lang tayo sa weekend! Dapat wala munang stress."
"Oo nga pala hindi pa ako nagpapasalamat sayo kasi nag-plan ka ng ganitong trip. Alam mo naman ako first time sa maraming bagay."
"Wala yun. Maging masaya ka lang okay nako. Saka sabi ko naman sayo gagawin natin lahat ng mga bagay na gusto mo i-try."
Hayy ayan nanaman sya. Puso ko kapit lang ah. Bawal mahulog.
To tell you honestly, medyo naguguluhan ako sa mga nangyayare. Hindi ko alam kung ano yung dapat kong maramdaman. Hindi ko alam kung tama ba yung nararamdaman ko. Kasi simula nung mas madalas kaming nagkakasama ni Byron medyo mas naging extra sweet sya. May mga ginagawa at sinasabi sya minsan na madalas nagugulat ako kasi sobrang unexpected.
Ayokong mag-assume kasi I know we're friends. Best friends. But sometimes we act like we're more than friends which confuses me more.
"Ikaw talaga masyado mo ako sinasanay sa mga ganyan..baka hanap-hanapin ko."
"Masanay ka na. Saka gusto ko lang talaga na ginagawa to. Plus mas marami na akong free time ngayon lalo na kapag may break ako from work."
"Osya basta salamat na lang ulit haha"
"Walang anuman. Basta smile ka lang palagi ok na."
"Okay ngingiti na po haha"
"Ganyan! Hindi ko man nakikita kasi magkausap lang tayo sa phone pero feel ko naman yung smile mo haha"
"Hala sya haha"
"Osige na tulog ka na medyo late na din. May work ka pa tomorrow."
"Okay. Good night!"
"Good night, love." Pagkatapos nya sabihin yun ay tinapos nya na yung call
Love? Tama ba yung narinig ko? Or baka inaantok lang ako?
"Hay nako ayoko na nga isipin. Makatulog na nga."
BINABASA MO ANG
The Way You Look At Me (short story)
Short StoryUmuulan sa labas ng Coffee Shop kung saan madalas kami magkita. Magkatabi kami sa upuan. Pareho kaming tipsy pero kahit ganun aware pa din ako sa lahat. Nakasandal sya sa balikat ko habang nakatitig sa kawalan. Nangingibabaw yung tunog ng ulan pero...