"Batangas Pier! Batangas Pier!" Narinig kong tawag ng konduktor pagkababa ko ng taxi."Ayun na ba yung bus na sasakyan natin?" Tanong ko kay Byron na kakalabas lang ng taxi.
"Oo. Teka nakita mo na ba sila Saab? Sabi ko kasi dito na lang meeting place natin sa terminal."
"Hindi pa. Teka tatawagan ko nga." Sabay kuha ng phone ko sa bulsa ko at hinanap sa contacts ko si Saab.
"Hello, Saab?" Sagot ko nung narinig kong nagpick-up na sya.
"Lili! Nandyan na ba kayo sa terminal?"
"Ah oo kakarating lang namin. Saan na kayo?"
"Ay nako sorry ah. Si Gio kasi ang tagal gumising kanina. Pero malapit na kami..Buendia na din kami."
"Sige ok lang. Wala pa naman masyadong tao sa bus. Matagal pa mapupuno 'to."
"Sige sige. Wait nyo na lang kami."
"Ok ingat kayo. Bye." Pagkababa ko ng phone ay humarap ako sa likod ko para kausapin si Byron pero wala sya.
"Nasaan na yun?" Tumingin ako sa paligid ko at maya-maya nga narinig ko ng tinawag nya ako.
"Coffee?" Alok nya sa akin sabay ngumiti.
"Akala ko nauna ka na sa loob ng bus. Saan ka ba pumunta?"
"Doon oh sa may bilihan ng doughnuts. Bumili lang ako ng coffee at doughnuts para sa ating apat."
"Ahh salamat. Kailangan ko talaga to kasi antok na antok pa din ako."
1:30 am kasi yung oras na pinag-usapan namin na magkikita kami sa terminal ng bus kaya halos isang oras lang yung tulog ko. Sana lang talaga makatulog ako mamaya sa bus or kahit sa boat.
Maya-maya pa ay dumating na din yung taxi na sinasakyan nila Saab at Gio tapos after nun ay sumakay na din kami sa bus. After ilang minutes ay napuno na din yung bus kaya umalis na din ito. Pagkatapos maningil ng bayad ng konduktor ay medyo naramdaman ko na yung antok kaya naman sumandal na lang ako kay Byron at hinayaan ang sarili ko na makatulog.
Makalipas ang dalawang oras na biyahe ay nakarating na din kami sa Pier ng Batangas.
"Lili..love, gising na." Narinig kong sabi ni Byron kaya naman nagising na ako.
"Nandito na tayo?" Sabi ko habang nag-uunat at tumitingin sa labas ng bintana.
"Oo. Bababa na tayo."
Kinuha namin yung mga gamit namin at saka kami bumaba ng bus. After nun ay naglakad na kami papasok ng terminal upang bumili ng tickets namin para sa boat papuntang Puerto Galera.
By 6:00 am dumating na yung boat namin at sumakay na nga kami. Akala ko baka magkaka sea sickness ako pero buti na lang at hindi naman. After an hour and a half na biyahe ay nakarating na din kami sa Puerto Galera.
White Beach, Puerto Galera
"More than words is all you have to do to make it real
Then you wouldn't have to say that you love me
'Cause I'd already know" pagkanta ko kasabay ng singer na kumakanta sa stage. Medyo nakainom na kasi ako kaya malakas na yung loob ko na kumanta ng malakas haha"You've got great voice! Maybe you can sing on the stage later." Napalingon ako sa katabing table namin dahil sa isang foreigner na biglang kumausap sa akin.
BINABASA MO ANG
The Way You Look At Me (short story)
Short StoryUmuulan sa labas ng Coffee Shop kung saan madalas kami magkita. Magkatabi kami sa upuan. Pareho kaming tipsy pero kahit ganun aware pa din ako sa lahat. Nakasandal sya sa balikat ko habang nakatitig sa kawalan. Nangingibabaw yung tunog ng ulan pero...