30 | Scent

1.3K 42 9
                                    


I've come here, unprepared. Lahat ng mga dapat kong gawin ay sinasabi sa akin. Pagkatapos ng parada at pagpapakilala sa akin bilang tagapamuno ng Azura ay inihatid nila ako sa bago kong magiging opisina. Ang pinaka pangunahin at panghuling opisina na ibibigay sa akin. Everything is different from what I used to see in my old room. It's all made in rocks. Kahit ang mesa ko ay gawa sa pinakinis ng bato. My floor mat is made of soft skin fur. Hindi ko alam kung anong balat ng hayop 'yon pero alam kong matagal ang naging proseso non para maging maganda ang kinalabasan.


There's also a mini fountain on my left side malapit sa aking bintana. Mataas din 'yon .


The royalties came kasama si Sean. Si Aziel ay nananatili sa labas ng aking kwarto. I hate the idea that he has to be left outside wherein fact he's the crown prince, the remaining Sekhmet, the next leader. Dapat espesyal ang turing sa kanya at hindi ganito!


"Binabati kita." Ani kanyang kamahalan.


Ang tingin ko ay napunta sa Reyna. Hindi ko makakalimutan ang kanyang ginawa. She's careless about it. Basta-basta lang itong nagd-desisyon kahit na hindi ko gusto. I wonder what's she's thinking right now. Wala na bang ibang paraan para mapabagal ang panghihina ni Aziel. Kailangan ba talagang daanin sa ganito? Sa pakikipagtalik sa ibang babae?


"Bakit biglaan po ang lahat? Hindi tulad ng una na nagkaroon pa ako ng paghahanda?"


"Argus wants this. Nag-usap kami noong isang gabi at marami siyang tinanong kung bakit hindi ka pa naitatalaga bilang tagapamuno ng Azura."  Sagot nito na ikinakunot ng aking noo. "Gusto niyang padaliin ang proseso sa pagkontrol mo sa katalusan ng Andros."


"He's looking for a way to do it immediately. Kinausap niya ang mga ministro para sabihin din nila ang kaparehong bagay. Walang nagawa ang Hari kundi sundin ang ideya ng nakararami." Pagpapatuloy ni Nefeli. "Iniisip niyang hindi mo makokontrol ang Andros sa oras na pakawalan ang kanyang katalusan. 'Yon ang pinakahihintay niya kaya pinamamadali niya ang lahat ng 'to."


May posibilidad din na sa dami kong titles at recognition ay mas mabigat ang aking parusa kapag napatunayan nilang hindi nga ako ang tunay na Sera.


Lumagpas ang tingin ko sa pagitan ng Reyna at Hari kung saan nakikita ko ring nakikinig si Aziel. Hindi siya nakatingin dito but I know he's listening.


"Kaya paumahin kung hindi namin nasabi sa 'yo. Kamusta ang kanyang pagsasanay?" Humarap ang Hari sa kanyang anak.


"Inihahanda ko na siya sa mga pangunahing kaalaman tungkol sa paghawak ng espada. Ang siyang magtuturo sa kanya ng aktwal ay ang prinsipe Aziel."  Pagsagot ni Sean. "Bukas na bukas ay magagawa rin ito nang sa ganon ay kahit papaano'y makapag handa ang Anushka sa gaganapin na pagpapakawala ng katalusan ng Andros."


I don't even know if this is going to work. Alam ni Sean na isasalang ng Reyna ang mga babaeng 'yon sa araw na pakakawalan ang buhay na dugo ni Aziel para gawing pain. Tila 'yon ang magiging proteksyon ko dahil sa paningin ng reyna ay hindi ako maaaring mamatay.


"Salamat."


Marami pang sinabi sa akin sila Nefeli katulad nang kung paano namamalakad ang Azura. May mga libro akong dapat basahin at mga sayaw na kailangan kabisaduhin para sa mga ritwal na isinasagawa nila. Lalo pa't ilang taon na raw ang nakakalipas ay hindi pa bumubuhos ang ulan. Para sa kanila ay blessing ang pagkakaroon ng ulan at kailangan kong aralin ang sayaw nito.

Blood: Beauty's Antidote Of The BeastWhere stories live. Discover now