25 | Different God

1.3K 36 0
                                    


"Magiging ayos lang ba ang lagay niya?" Tanong ko matapos namin maihatid sa kanyang kwarto si Alois...I mean Aziel. Hindi ito ganoon kagandahan tulad ng inaasahan ko dahil kahit paapano ay isa pa rin siyang prinsipe. Manipis ang sapin nito at siguradong masakit sa likod 'yon. Tatlong babae ang gumagamot sa kanyang likuran habang siya ay nakataob.

"Magiging maayos siya pero hindi ganoon kabilis tulad ng una." Sagot ni Sean.

Ilang minuto ang lumipas ay umalis na rin ang mga mangagamot. Balot na balot ng badange ang likod ni Aziel. Hindi ko alam kung tulog ba siya ngayon o nakapikit lang.

"Hindi ko naisip na siya ang unang prinsipe."

"Dahil hindi namin sinabi. Nilihim namin sa'yo dahil ayaw namin na hindi ka komportableng nasa tabi mo siya para bantayan ka kahit siya pala ang mapapang-asawa mo. Siya lang kasi ang kayang ipagtanggol ka sa lahat." Aniya na ikina-iling ako.

"Don't say that, Sean. Alam mong hindi ako ang mapapang-asawa niya. We really need to find the real Sera. Dahil kung sakaling maulit nga muli ang pagkawala niya ng kontrol sa sarili, mauulit muli ang paglalatigo sa kanya. Mas lalong iisipin ng iba na hindi siya karapat dapat na mamuno." Umiling ako. "Argus has a point. Hindi pwedeng ganito palagi."

"Kung ganoon, bakit mo sinabi sa kanila na 'yon na ang huling parusa kung takot kang mauulit muli 'yon?"

Tumingin ako kay Aziel. "Dahil umaasa akong babalik na ang babaeng para sa kanya."

Hindi siya nakapagsalita. Bumukas ang pinto at iniluwal nito ang hari at reyna kasama si Nefeli. His Majesty went near his son and rubbed the back of his head.

"Wala pa rin bang balita o enerhiya ng totoong Sera?" Tanong nito sa babailan kahit hindi nakatingin sa kanyang direksyon.

"Wala, kamahalan. Nag-aalala na rin ako. Alam kong kailangan na nating padaliin ngayon ang pag-aaral niya na makontrol ang sarili para hindi maulit ang ganitong tensyon ngunit... wala pa rin talaga akong nararamdaman na enerhiya ng totoong Sera."

"At paano niya magagawa 'yon? Paano siya makakapag-aral na makontrol ang sarili sa madaling panahon kung wala pa ang babaeng hinahanap natin."

Umiling si Nefeli. "K-kwestyonin tayo ng iba kung bakit matatagalan ang kanyang paggaling gayong andito na ang Anushka pagkatapos nitong eksena. Kailangan may gawin tayo. May maipalabas, masabi lang na maayos ang Andros."

"Hindi ko kakayanin na makita pang muli ang Andros na maparusahan sa harap ng lahat." His Majesty said out of concern. "Pang-apat na beses na ito."

Apat na beses... 400 whips.

Blood: Beauty's Antidote Of The BeastWhere stories live. Discover now