39 | Adelio

1.2K 38 6
                                    


IKATLONG PERSONA


Isang matandang manggamot sa probinsya ng Osiris ang tanyag pagdating sa pagbibigay ng paunang lunas. Dati itong nagt-trabaho bilang personal na doktor ng Hari na namatay sa panlalason. Ngunit dahil sa nangyari, isa ito sa naparusahan na matanggalan ng titulo at mawalan ng trabaho. Kailanman ay wala na itong karapatan na pumasok sa kahit anong syudad na nangangailangan ng doktor sa pangyayari. Hindi ganoon kalakas ang naging ebidensya laban sa kanya nang mamatay ang Hari. Ang dating alalay ng hari ang nakatanggap ng kaparusahang kamatayan kasama ang mga iba nitong kasunod. Kahit papano'y siya ay nakaligtas at tinanggalan lamang ng titulo. Ganon pa man, masakit pa rin sa kanya na mawalan ng tiutlo pagdating sa trabaho na bata pa man siya ay pinangarap niya na. Ngunit wala siyang magagawa, pinaglalaruan sila ng tadhana.


Si Adelio ay dati ring nakapag-aral ng mahika at kasama siya sa tribo ng mga Arwan. May angking talino at kakayahan din ito patungkol sa kung paano gamitin ang mahika sa iba't ibang paraan. Kung hindi panggagamot ang kanyang ginagawa, madalas itong mag-alay ng dasal sa mga Dyos at nagsasagawa ng ritwal para sa ikabubuti ng Kahru na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakikitaan ng kasagutan o pagbabago.


Napakahaba na ng panahon at hindi niya na maalala ang huling araw na nakita niyang masigla ang Kahru. Punong puno na ang mundo ng dahas at kasakiman simula nang mawala ang mga tribo ng Sekhmet.


"Adelio, may bisita ka po!" Tugon ng isang pamangkin. Binalot siya ng pagtataka. Kailanman ay hindi siya nagkaroon ng bisita dahil sa nangyari.


Lumabas si Adelio hawak ang mga dahon para sa paggagamay ng mga gamot at inilalagay sa mga bote ng may iba't ibang sangkap.


Sa isang maliit na bahay na gawa sa simpleng kahoy lamang siya nakatira at nasa liblib 'yon ng gubat. Hindi na rin siya nakapag-asawa dahil nga nanumpa itong magisisilbi lamang sa Hari at may katandaan na rin ito nang mapatalsik sa palasyo.


"Kamusta po kayo?"


Natigilan siya nang makita ang matandang babae ngunit mas bata pa rin 'to ilang taon sa kanya. Ang Punong Babaylan na si Nefeli. Agad na nagbigay si Adelio sa babae bilang pagbibigay galang.


"Maayos naman po ang aking pakiramdam."


"H'wag na po kayong masyadong pormal pagdating sa akin."


Kilalang kilala ni Adelio si Nefeli. Kahit noong nag-aaral pa lamang ito ng mahika. Nababalitaan niya rin ang mga tagumpay nito hanggang sa mapiling Punong Babaylan dahil sa angking kakayahan pagdating sa mahika.


"Ano pong ipinunta niyo dito?"


"Maaari ba tayong mag-usap sa loob?"


Tumango si Adelio at pinapasok ang Punong Babaylan.


Hindi tulad ng ibang bahay, maliit lamang ang espasyo ng bahay ni Adelio hindi tulad noong nagt-trabaho pa lamang 'to sa palasyo kung saan ang pamilya niya ay nakatira sa malaki at magandang bahay. Ngayon ay punong puno na ng mga tuyo at iba't ibang dahon ang loob, isang maliit na siga at may kaliitang higaan sa pinaka dulo. Malapit sa siga ay may dalawang kaliitang upuan at pabilog na mesa, doon ay naupo sila.

Blood: Beauty's Antidote Of The BeastWhere stories live. Discover now