PROLOGUE

9.7K 119 21
                                    

Sa mga nakakaalam ng story nila Hae at Yen, alam niyo na rn kung ano 'tong scrapbook na 'to :D

--

Negra. Pango. Sabog ang maiksing buhok. 5" flat ang height. Malapad ang noo. Nakasalamin. Naka-braces. Payatot. Balat kalabaw. Wallflower. Below average ang IQ. Lampa. Lahat na ata ng kapintasan nasa kanya na e.

Sino nga ba naman ang magkakagusto sa ugly duckling na 'to?

Sa panahon na 'to, iilan na lang ang mga lalaking kalooban ang tinitingnan hindi itsura.

Kaya nga ganun na lang kamalas ang NBSB na si Lyre e. 

Pangit na nga siya, bobita pa. 

Paano na lang siya mapapansin ng first love niyang si Lyric db? 

Si Lyric na isang sikat na football player sa umaga at super wafu na bassist ng bandang Vertical Lips sa gabi. Idagdag niyo pang isa siyang freelance at ramp model pag weekends. Ayos db? Lyric plus Lyre equals the song "Langit ka, Baluga ako"

"Wag ka na ngang umasang magugustuhan ka ni Lyric. Ang pangit pangit mo kaya!" Sigaw sakanya ni Laila na presidente ng fans club ni Lyric at ang babaeng obsessed sakanya.

Tumingala si Lyre. Nakadapa kasi siya sa putikan matapos siyang patirin ni Laila. Ang malas naman ng pangit na 'to! Negra na nga, may t*e pa ng kalabaw sa mukha! 

"Oi baluga! Tumabi ka nga diyan! Harang ka sa daanan eh!" Binato bato pa siya ng mga mayayamang estudyante ng Prestige High na sakay ng kanilang mga mamahaling sasakyan. 

Napaluha na lamang siya. Bakit ba kasi ang malas malas niya? Bakit ba kasi hindi siya nagpayong o nag-kapote man lang 'nung nagpaulan si Lord ng kapintasan sa mundo?

Tumayo na lamang siya ngunit bago pa man ay pinatid nanaman siya ni Laila. Pero bago nanaman mag-landing ang kanyang mukha sa putikan, bigla na lang may sumalo sakanya. 

Si Lyric! 

 

Ay jk. Hindi pala. Babae eh. 

"L-lady J-JV?" Nauutal utal na tanong ni Laila habang nanlalaki ang mga matang nakatitig sa babaeng sumalo kay Lyre. Maski ang mga alagad ni Laila ay halatang takot na takot din sa mga nakita. 

"Obvious ba?" Mataray na tanong ni Lady JV daw. 

"Naku! Lady JV wag niyo pong hawakan ang pangit na 'yan! Baka madungisan kayo!" 

Akmang hahawakan sana ni Laila si JV pero agad siyang hinampas nito. "Lalayas kayo sa harapan ko o aantayin niyo ang special kick ko?!" Sigaw ni JV

Agad namang nagsitakbuhan ang mga MALDITAS. Takot na takot lang na nakatingin si Lyre sa 'damsel in shining armor niya'.

"T-thank y-you p-po."

Tumango lang naman si JV sakanya. 

"Pano ko po kayo babayaran?"

May inabot lang na libro si JV sakanya.

Ano 'to? Ipapabasa niya sakin? Shete. Tamad pa man din akong magbasa! 



"Basahin mo lang 'yan, bayad ka na sakin." 

--

 (c)JouisEduarte

Inspired by the movie A Crazy Little Thing Called Love :) 

15 Ways To Win Your Crush's Heart :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon