SECOND CHAPTER

8 0 0
                                    

Wala na siyang inaksayang oras nang pumutok na ang araw. Naglakbay siya patawid ng East Valley para makarating agad sa tarangkahan ng Crest Academy. Ilang gubat ang dinaanan niya bago narating ang bukana ng East Valley. Bumungad sakanya ang masiglang pamilihang bayan. Nagkalat ang mga tao habang may ngiti sa mga labi. Ang lahat ay parang walang problema. Napakagaan sa pakiramdam. Malayong malayo sa North Cassiopè.

Ngunit saan nga ba ang papunta sa Crest Academy? Ang alam lang niya, ay matatagpuan ito sa East Valley. Pero hindi sinabi sakanya ni Merfield ang eksaktong lugar.

Nagpatuloy siya sa paglalakad at tumigil sa isang puwesto kung saan may isang matanda na nagtitinda ng mga prutas.

"Manang, maaari ho ba akong magtanong?" magalang na tanong niya habang mahigpit na nakakapit sa kanyang backpack.

"Ano 'yon hija?" masiglang tugon ng matanda sakanya.

"Pwede ko ho bang malaman kung saan makikita ang Crest Academy?"

Bumakas ang gulat at pagkamangha sa mukha ng matanda.

"Estudyante ka ng Crest Academy?" tanong nito. Kimi siyang tumango.

Malawak na ngiti ang ibinigay sakanya ng matanda. Na para bang ang makakilala ng isang estudyante mula sa Crest Academy ay isa nang prebelehiyo para dito. Masiglang itinuro nito ang isang bundok di kalayuan.

"Umakyat ka dyan. Sa tuktok ay makikita mo ang tarangkahan," napatingin siya sa bundok na tinutukoy nito. Mataas yon. Hindi tanaw ang tuktok nito na napapaligiran ng makapal na ulap.

Nagpasalamat siya sa matanda at tumulak na sa sinabing bundok.

Ginamit niya ang special ability niya para agad na marating ang tuktok. She runs just like how the wind blows. She has the power of speed. She travels like the light.

Wala pang ilang oras ay narating na niya ang tarangkahan.

Napapaligiran ng natataasang puno ang tarangkahan ng Crest Academy. Marami ring nagliliparang paru-paro sa paligid. Buhay na buhay ang kapaligiran. Masarap sa pakiramdam ang dampi ng sikat ng araw. Tumatagos ang sikat ng araw sa mga puwang ng berdeng dahon sa puno. Malayo sa madilim at walang buhay na tarangkahan ng Chronos Academy na napapaligiran ng mga patay na puno, mababagsik na hayop, at maitim na usok.

Namangha siya sa mataas na gate ng Crest Academy. It's a mixture of color gold and silver. It looks so elegant. She smiled bitterly. Kung sana'y sa ibang pagkakataon at layunin ang dahilan ng pagpunta niya doon, siya na siguro ang pinakamasayang estudyante. It's her dream school afterall.

"Who's outside?"

Isang mababang boses ng lalaki ang narinig niya. Gate Keeper...

"Cara Hollister." as soon as she said her name, the gate automatically open. Agad siyang sinalubong ng isang lalaki na sa tingin niya ay nasa mid 40's na ang edad. Matikas ang pangangatawan nito at may matatalim na titig.

"Where' s your invitation?" May katalimang tanong nito.

Agad niyang kinuha sa bulsa ng suot niyang pantalon ang invitation na ibinigay sakanya ni Merfield. Nang matanggap nito ang invitation niya ay tiningnan siya nito. Tingin na nangingilatis. Nang-uuri.

"Sumunod ka sakin Miss Hollister." sabi nito makalipas ang ilang segundo ng paghatol sakanya.

Mula sa nakamamanghang gate ay bumungad sakanya ang isang malaking bato sa gitna nang malawak na lupain.

Nasaan ang Academy?

Napakunot ang noo niya. Bakit ganito? Wala siyang makita kundi ang malawak na space. Pero walang Academy.

Fate of AmuletsWhere stories live. Discover now