ROOFTOP

146 7 0
                                    

Maagang pumapasok sa eskwela ang kambal na sina Shenna at Shella. Pareho silang nasa huling baitang ng elementarya, nakasanayan na nila na 5:00 pa lamang ng madaling araw ay nasa eskwela na sila. Palaging magkasama ang dalawang kambal kung nasaan si shenna ay nandoon din si shella. Maging sa upuaan nila sa kanilang silid at magkatabi padin sila.

Usap usapan sa buong eskwelahan nila na mayroong ligaw na mga kaluluwa na pagala-gala sa buong eskwelahan. Ngunit wala ni isa ang makapag papatunay sa nasabing usapan. Kung kayat ang iba ay hindi naniniwala at ipinapanakot na lamang sa mga bata.

Ngunit kahit ganon ay madami padin ang mga mag aaral na maagang pumapasok gaya ng kambal. Ang iba ay ng lalaro, meron naman gumagawa ng mga homework.

Friday, 5:10 ng madaling araw ay na isipan ni shella na pumunta sa 3rd floor ng isang lumang building kaya inaya niya ang kanyang kakambal, gusto daw malaman ni shella kung totoo ba ang kwento doon na meron daw ng papakitang white lady.

Habang ng lalakad ang dalawang kambal ay hindi maiwasan matakot ni shenna kung kaya sinabi niya kay shella na bumama ba lamang sila. Ngunit sadyang matigas ang ulo ni Shella hinawakan niya ng mahigpit ang kakambal nya upang hindi na matakot.

Sa pag lalakad nila sa 3rd floor ay laking gulat ni shenna dahil ang anino nila ay naging tatlo at tila kumakaway pa ito sa kanila. Naiiyak na si shenna sa takot ngunit sadyang matibay ang loob ni shella. Sinabi ni shella na sundan nila ang anino.

Sinundan nga ng kambal ang anino paakyat sa rooftop ng nasabing lumang building. Hinila ni shenna ang kakambal niya para sabihing bumaba na sila, pero tuloy padin sa pag lalakad si shella na para bang wala sa sarili, nakatingin lamang ito sa aninong sinusundan nila.

Tumigil si shenna sa pag sunod sa anino, samantalang si shella ay sumusunod pa din sa anino. Hindi namalayan ni shella na naka tayo na pala siya sa gilid ng rooftop at pwede siyang malaglag konting maling galaw lang. Nakita ng kakambal nya ito kaya pinuntahan siya upang hilain palayo.

Naramdaman na lamang nang dalawang kambal na mayroong tumulak sa kanila, dahilan upang sila ay mahulog mula sa rooftop. Ramdam na ramdam ng dalawa ang malakas na impact ng pagkabagsak nila sa sahig.

Magka hawak sila nang kamay at dilat ang mga mata, subalit parehas silang wala nang buhay.

Midnight Horror STORIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon