Prologo

47 3 2
                                    

Prologo



"Kailan ka ba kasi uuwi? I mean, girl, ang tagal mo na diyan! Nakaalala na ako't lahat, at makakalimot na ulit, pero you're still there!"


I smiled sadly as I heard the anticipation and pain in her voice. And, Sapphire's right. It's been years. Ayokong mawala ang memorya ng kaibigan ko nang wala ako sa tabi niya. I really wanted to go back, but I'm trying to fight the urge knowing that he's also there. I can't right now. Maybe the years away from him wasn't enough for me. I need to buy more time.


"I know. I'm sorry din. Hindi ko kasi alam kung kailan ako pwedeng bumalik. Depende pa kung matatapos agad yu---"


"Don't fool me. Pwede mo silang lokohin pero hindi ako. As far as I know, a year ago pa natapos yung reason ng pagpunta niyo diyan," she interrupted.


I sighed. Again, Fire's right. My family's main purpose of being here was already done. Sadly, my purpose of coming with them won't easily fade away.


Ironic how it won't fade away easily when we parted ways and drifted apart too fast.


"Basta. I'll inform you immediately naman kung kailan ako babalik," sagot ko na lang.


"Fine! By the way, Esunta and our girls wants to bid their hello," aniya bago ako makarinig ng mga ingay sa background.


"Oh, here they are," pahabol nila at sa tingin ko'y ni-loud speaker ang phone.


"Ariadne Lerise!"

"Hey, Ariyadni!"

"Grande!"


I laughed at their craziness. That's the reason why we're friends, anyway. 


"Hey, guys! Buhay pa kayo?" buong kasiyahang saad ko. It was fun to be able to here them again. I mean, all together.


"Syempre! You witch, kailan ka ba babalik?" ani ng boses ni Tracy.


"Soon siguro? Sasabihan ko naman kayo kung uuwi na ako," tawa ko ngunit may bakas ng pinalidad sa tono.


"Pasalubong namin, ha?" rinig ko ang nangingibabaw na boses ni Valerie.


"Kahit 'wag na," malamig ang boses na 'yon kung kaya't nahimigan ko agad kung sino. Umusbong ang pamilyar na kirot nang marinig ko ang litanyang niya. I remembered how it used to be so warm. Damn warm, "... huwag ka nang umuwi," nabuburyong saad niya, dahilan  para matahimik ang lahat. Nakarinig ako ng bulong, at muli, nagsalita siya.


"What? Tutal doon naman na siya nakatira, 'di ba? Bakit kailangan pang bumalik dito?" natatawang saad niya.


"Vladimir! Calm the fuck down, you're talking to our friend," mariing saway ni Gian.


"Your friend only, Lorenzo. Matagal na akong iniwan niyan," aniya at narinig ko na lang ang isang kalabog, na parang padarag na pagsara ng pinto. Narinig ko pa ang sigaw ni Herman, na pinigilan din ni Winona.


"'Wag niyo nang pansinin, sarado ang isip no'n," she said.


"No, Winona, he's too rude! I get the fact na iniwan siya, pero may valid reason si Ari! For pete's fucking sake, he need to understand and to grow up! Paano siya babalikan kung gano'n ang ugali niya? Paano siya pipiliin kung hindi siya gagawa ng rason para piliin siya?"


"Baka kasi kailangan niya ako no'ng mga panahon na 'yon," marahan kong salita, dahilan para muling manaig ang katahimikan. Nang walang magsalita, pinili kong magpatuloy.


"Baka kasi hindi lang pamilya ako ang may kailangan sa akin no'n, baka siya rin. Baka kasi inakala niya na pipiliin ko siya kung sakaling pamilya ko at siya ang pagpipilian. Kasi baka akala niya, mas matimbang ang pagmamahal ko sa kanya,


Nakampante siguro siya na mahal na mahal ko siya kaya hindi ako aalis, hindi ko siya iiwan. Hindi niya lang alam na kahit gaano ko pa siya kamahal, pamilya ko pa rin ang una."


Walang nagsalita. I decided to bid my goodbye.


"Sige na, I need to go. It's nice to be able to talk to you again. Pakisabi na rin sa kanya na, malapit na, babalik na ako. Pwede na siyang magplano ng pag-alis," pagkaraan noon, pinatay ko na ang tawag. Pinutol ko na ang linyang muling nagbalik sa akin sa nakaraan, na pilit kong iniiwasan ngunit patuloy na may nanghihila sa akin pabalik.


Ayos lang naman siguro 'yong inasal niya, 'di ba? Ayos lang naman siguro kasi may rason siya, may malalim na dahilan kung bakit siya gano'n. Ayos lang siguro kasi hindi naman niya alam eh.


 Ayos lang siguro?


Hindi.


Hindi.


Hindi ayos. Hindi ayos sa akin, pero wala akong karapatan para magreklamo. Wala akong karapatan, kasi iniwan ko siya. Wala akong karapatan, kasi ako yung umalis.



I wiped my tears as memories of the past came crushing into me. It was like the thing happened only yesterday and everything is still fresh, still raw and still so painful.

Left (NNS #2)Where stories live. Discover now