Prologue

217 6 4
                                    

Sana ang pag-ibig parang takbo ng orasan, laging pakanan. Walang kaliwaan.  

Bakit kung kailan natuto akong maghintay hindi ka dumating?

Bakit kung kailan natuto akong magtiis dun ka sumuko?

Bakit kung kailan natutunan kitang mahalin dun ka lumayo?

Bakit kung kailan mahal na kita saka ka nagmahal ng iba?

Bakit..

Gotcha! Di pa yan yung prologue. HAHAHHHA

Pa-thrill ako e bat ba. Oo na nakakainis na si Ms. Otor.

Gusto ko lang sabihin na ENJOY READING. =))) >:) :P

VOTE. COMMENT. BE A FAN!

--------------------------------------------------------------------

~

Ms. Natalie Klauss

Thank you for enrolling in..

HUDSONVILLE ACADEMY! A school for luxurious students from affluent families.

Below is a map of the campus. We will surely provide you a--

~

"Anong ginagawa mo anak?"

Tsss, nahuli nanaman ako. Nandito kasi ako ngayon sa office ni daddy. Binuksan ko yung malaking envelope na naka-address sakin.

And guess what.

ENROLLED NA PALA AKO.

SA IBANG SCHOOL.

AT HINDI KO ALAM.

"What's the meaning of this dad?! Diba sabi ko sayo ayoko sa ganitong school!"

Nakakainis talaga! Bat ba ako laging pinangungunahan ng mga tao dito. Ni hindi nila itanong kung anong gusto ko. Meron na palang bagay na nakaplano sakin, ngayon ko lang alam!

I promised myself I won't enroll in an exclusive school.

Gusto ko lang ng LOW-PROFILE!

Ni hindi nga alam ng mga kaibigan ko na anak ako ng isang lalakeng nagpapatakbo ng isang business tycoon. Hindi rin nila alam na ang nanay ko ay isang fashion designer, at ang mga damit na ipinagyayabang nila sakin ay produkto niya.

Baka kasi gamitin lang nila ako, alam ko namang behind my back.. sinisiraan nila ako.

Akala nila alam nila lahat, dun sila nagkakamali.

"You can't do anything about it, Natalie." sabi ni Dad habang kinukuha sakin yung envelope na pinakeelamanan ko. Hello? May karapatan akong buksan yun, it was named after me!

"Why dad? We already talked about this. You know my reasons!"

"Kailangan. One day you'll thank me for this. Trust me."

 "But da--"

"Anak... stop cussing." pagpigil niya sakin.

Ayan na naman siya. Tinawag niya nanaman akong "anak".

I don't know why, pero nakokonsyensya akong tanggihan siya kaya pag ganon.

Hayyy.

"I hate you Dad." Naglakad na ko para lumabas sa office niya.

"Loveyoutoo Darling." sabay smirk niya. Ugggghhhhhhh swerte ko sa tatay no?

HE'S SOOOOOOO ANNOYING!

"Don't worry, Blair will be coming with you." pahabol niya.

Biglang nagningning yung mga mata ko.

Si Blair? Really?! *O*

Okay, he got me. Napatigil ako sa pintuan.

"Really?"

"She'll be moving with us tomorrow, her room is already prepared."

Ang talino ng tatay ko grabe.

Kaya magaling sa business eh, ang galing niya magmanipulate. :(

Buti nalang kasama si Blair, para naman mabawas-bawasan ang inis-slash-kaba ko sa paglipat dun sa school na yon. Sus, siguro puro mayayabang mga estudyante don. Kaya ayaw ko e, pag kasi sa normal school lang.. pantay pantay lahat.

Si Blair pala, ang bestfriend ko since birth.

Pareho kami ng sitwasyon at naiintindihan niya ko.

"Sige dad." At tuluyan na kong lumabas sa office niya.

Nakalimutan ko pa pala magpakilala.

Too late na ba? Anyways, hello!

Ako nga pala si Natalie Venice Klauss. 16 years old, 4th year highschool.

As I told you, ang mom ko ay isang fashion designer habang ang dad ko may ari ng isang tycoon.

Nagkaboyfriend na ko, isa. 'Nuff said.

Manliligaw? Siyempre madami, sa ganda ng lahi namin? HAHAHA. Pero busted sila lahat.

Masyado akong maganda para saktan lang.

So enough na, mas makikilala niyo naman ako soon. :)

Alam niyo na naman na lilipat ako sa Hudsonville Academy.

Sabi nila, yun daw ang pinakamahal, pinakamaganda, pinakamalaki, basta lahat na ng pinaka.. sa buong Pilipinas. Yung ibang estudyante dun sikat na sikat sa internet. Puro gwapo/maganda daw kasi. Yun lang ang dahilan kung bat ako bagay don, ganda ko e. Oh wag kayo umangal, story ko to.

Ewan ko ba, pakiramdam ko ibang iba mga tao dun.

Ano kaya mangyayari sakin no? Sino kaya mga makikilala ko?

Hay, text ko nga muna si Blair.

--

To: BestieeeBlair<3

I guess we're stuck together huh? Sorry ka bestfriend mo ko. hahaha loveyou gal. :)

--

 I wonder how my life would be.. in Hudsonville Academy.

--

A/N: Hello! SI Natalie po yung nasa gilid. Hehehehe. For imaginary purposes only. :)

Bliss (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon