Ten

42 3 2
                                    

"Baka naman nagbago isip?"

"Sana.. baka bukas nila papatawag."

"Di yan. Uwian na oh, di naman pinatawag parents mo. Sge, una na'ko."

"Sige Blair."

Inunlock ko na yung car ko at pumasok sa loob. I started the engine and started driving.

Kanina pa ko hindi mapakali at thankfully, hindi na ko pinapunta ulit sa Principal's Office. Wala ring bakat nina mommy at daddy dito kaya ayun. Nakahinga narin ng maluwag.

Oo na, ang OA ko na pero kasi first time ko magkaroon ng ganitong offense. And I NEVER disappointed my dad before. Ay teka, meron na pala. Nung naghiwalay kami ni Lionel.

Daddy is very fond of him. Sobrang boto ng pamilya ko sakanya and vice-versa. They thought we were very compatible, atska he came from a wealthy family kaya yun. Nung naghiwalay kami, that was the first time I disappointed my dad. Meron kasing deal yung company namin at company ng family ni Lionel kaya nung nagbreak kami, biglang nasira. Malaki yung nawala sa company namin at kasalanan ko yun.

Wag kayo ganyan mag-isip. Hindi ko siya ginusto dahil sa pera na meron siya.

Dalawang taon umikot ang mundo ko sakanya. Paggising ko, siya agad ang naiisip ko. Ganun din sa pagtulog. Lagi ko siyang inaalala. Dahil nga sa nasa ibang bansa ang mga magulang niya, ako na yung nagsilbing LAHAT niya. Nanay niya, tatay niya, kapatid niya, bestfriend niya, at syempre girlfriend niya. Ang sarap niya mahalin. At ang sarap niyang alagaan. Yun ang problema eh, masyado akong nagbigay. Bigay ako ng bigay na hindi ko napansin na hindi pala ako sinusuklian kaya walang natira sakin.

Siya kasi yung tipong badboy at may pagka-casanova. Sabi nila, ako raw ang naging dahilan ng pagbabago niya. Simula daw kasi nung dumating ako sa buhay niya, naging matino na siya.  

Ramdam ko na minahal niya ko, pero ewan. Sa isang iglap nagbago ang lahat. Gumising nalang ako na hindi na siya kontento sakin. Nung unang beses na niloko niya ko, tinanggap ko parin siya. Lahat naman ng tao nagkakamali diba? Nung pangalawa, okay. Everyone deserves a second chance diba? Pero nung pangatlo, pang-apat, panlima. Narealize ko na ang tanga ko na. I had the strenght to leave him. And here I am.

Alam ko yung tanong na naglalaro sa mga isip niyo. Mahal ko pa ba siya?  

Ang maisasagot ko lang ay ewan. Kasi ako mismo, hindi ko alam. Pero wala na'kong pakialam.

Binagalan ko yung takbo ng sasakyan ng may nakita akong pamilyar na likod. Naglalakad siya mag-isa. Binabaan ko siya ng bintana. Tsss, sabi na nga ba eh. Bat naglalakad to? Wala ba siyang sasakyan? Eh ang alam ko mayaman yan e.

"Hi Drei!" sabi ko ng nakangiti.

Tinignan niya lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. 

Sige lang Natalie, try again! :D

"Uhm, you want a ride?"

Umiling siya sakin. Anong problema nito? 

Napansin ko na pawisan na siya at halatang pagod.

Aha!!! >:)

"Hmm, alam mo kasi balita ko maraming rapist na bakla sa area na'to eh. Madilim pa naman. Sige ka.."

Tumingin siya sakin at napaisip saglit pero patuloy parin siya sa paglalakad. Ayaw niya di wag!

"Sige, ikaw bahala--"

"Ano ba yan! Naglalandian sa daan!"

Tumingin ako sa harap, may magkakabarkadang bading. Whoaa. Joke lang naman yung yung rapist na bakla e! Hala meron nga. Pero.. rapist ba tong mga to? O___O

"Uy friends ang gwapo nung fafa o! Fafa dito ka nalang samin dali!!" sigaw niya at turo kay Andrei.

Si Andrei naman mukhang kinilabutan kaya sumakay na siya sa passenger seat.

"Sabi sa'yo eh.." sabi ko habang pinipigilang tumawa. WAHAHAHAHAHAHAHA :DD

Habang nasa byahe, tahimik lang kami.

Ay teka, hindi ko nga pala alam kung san ko dadalin to!

"Saan ba kita ihahatid?" tanong ko sakanya.

"Dalhin mo ko kahit saan."

Dalhin kita sa mental, gusto mo? 

Wewwww.

"Ahh. Ano ba kasing nangyari sayo?"

"Wala ka na dun."

Ako na nga tong nagmagandang loob na isakay siya tapos ganyan pang attitude pinapakita niya sakin?!

Tinigil ko yung sasakyan at inunlock yung mga pinto, "Baba."

"Ano?"

"You heard me. Bumaba ka na."

"Ano na namang problema mo?!"

"Ako pa ngayon? Bat di mo itanong yan sa sarili mo? Ikaw na nga tong ihahatid tapos ganyan mo pa ko tratuhin! Wala ka bang bakat ng kabutihan diyan sa katawan mo?! Ni wala ka man lang thank you! Drop the attitude Andrei, kung ayaw mo bumaba ka nalang." sinabi ko yan sa isang hininga lang. Nakakainis na eh! Ano ba namang ugali meron tong ungas na'to.

Nagulat siya sa pagsigaw ko at parang natauhan. 

Huminga muna siya ng malalim..

"Hayy. Ang ingay mo. I'm sorry, okay? Tinakasan ko kasi yung mga bodyguards ko that's why I left my car at school and ended up walking."

"Bat mo sila tinakasan?"

"Do you have to know?"

Tinignan ko siya ng masama.

"You're so demanding! Kasi supposed to be may imemeet ako. Eh yung dad ko, alam niyang hindi ako sisipot kaya pinadala niya yung guards namin para i-make sure na pupunta ako."

"Ah.."

*Four letter word, and I don't have the guts to say it. Smile, till it hurts, let's not make it complicated*

Tinignan ko yung phone ko.

| Calling.... Daddy |

Bat napatawag si daddy? May emergency ba? Sinenyasan ko si Andrei na wag muna magsasalita. Tumango siya na para bang bored na bored na siya. Sinagot ko na yung call.

(Hello, dad?)

(Natalie! Where are you? We're supposed to have a family dinner!)

Ayshet! Nakalimutan ko! Meron nga pala kaming dinner! -___-

(Ohmygod! I'm really sorry. I completely forgot about it Dad! Susunod nalang ako.)

(Hindi na. It's okay. Head straight home. Something came up kaya di na tuloy..)

(Okay. See you.)

Binalik ko na yung phone sa bag ko.

"Your dad?"

Tsss!

"Baka nanay ko. Kaya nga dad tawag ko diba."

"Ahh."

Hindi ko alam kung saan siya dadalhin kaya naisipan ko malang na dalhin siya sa favorite place ko. Ang favorite place ko kung saan ko nalalabas lahat.. ng nararamdaman ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 16, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bliss (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon