Seven

101 2 6
                                    

Blair's POV

Okay, magdiwang kayo! POV ko na. :)))

Lagi nalang si Natalie ang bida, pwedeng ako naman? Ha, miss author?

(SABIHIN MO MUNANG MAGANDA AKO!)

Kung ganun rin naman pala, eh wag na! :P

Anyways, naglalakad ako ngayon papunta sa locker ko. Pinauna ko na sina Natalie sa room, naiwan ko kasi yung mga notebooks ko sa locker e. Kaya yun.

Buti nalang nagawa ko na yung homework namin sa Phy--

*sqeeeeekk*

*boog!

Tatanga-tanga ka talaga kahit kelan Blair. -____-

Napapikit nalang ako sa sakit ng puwet ko, medyo malakas kasi yung pagkakabagsak ko e.

Wet floor pala tong dinaanan ko, nakakahiya! Nadulas pa talaga ako, sa gitna pa ha! Shit!

Nakakarinig na'ko ng konting tawanan..

Dumilat ako, nakatingin silang lahat sakin at halatang pinipigilan lang nung iba tumawa.. yung iba naman.. tumatawa na talaga. Puro mga babae, yung mga lalake.. nganga lang.

Sinubukan kong tumayo pero.. pati yung paa ko masakit.

Feeling ko lahat ng dugo ko pumanik na sa mukha ko.. ewan ko kung bakit pero parang namumuo na yung mga luha ko. Sobrang kahihiyan, ang sakit pa ng pagkakabagsak ko.

MAG ISA LANG AKO.

:'(

Natauhan na yata yung ibang lalake. Take note, lalake ha. Yung mga babae tumatawa lang at nagbubulungan. Lalapitan na sana ako nung isang lalake pero..

"Bakit ngayon niyo lang siya naisip tulungan? Kanina pa siya nakahilata jan ha? Tinitigan niyo lang siya. Mga walang kwenta!"

Dugdug.

Hala kang puso ka! Landi mo ha, pangalawang bes mo palang siya nakikita.. umaariba ka na?!

Dugdug.

Si Blaine.

Nilapitan niyo at sinubukang itayo. Pero, pareho lang kaming nahirapan.

"Ayos ka lang ba?"

Tinignan ko lang siya na para bang 'Obvious ba?'

"Sorry naman!"

Tumawa nalang ako ng mahina. Ang sakit talaga ng puwet at paa ko. :(

Hinawakan niya yung bewang ko, itatayo yata ako ulit.

Pero teka.. ano tong ginagawa niya?!

"Uyyy ano ba! Ibaba mo nga ako!"

Buhatin ba naman ako na parang bagong kasal? Nakakahiya kaya!

Di niya ko pinansin at patuloy lang na naglakad.

"Ano ba kasi! Bitaw nga!" Pinapalo palo ko na yung braso niya pero mukhang wala parin. -__-

"Alam mo.. MASAKIT! Kung makapalo ka eh! Ano pa bang ibang paraan? Alangan namang kaladkarin kita sa sahig na parang mop papuntang clinic!! Kita mo namang hindi ka nga makatayo. Blair naman!!"

Natahimik ako dun.

Hindi dahil sa sinigawan niya ko..

Kundi dahil binanggit niya ang pangalan ko.

Bakit.. parang ang sarap pakinggan?

Naaalala niya pa pala ako.

"Sorry, hindi ko naman sinasadyang sigawan ka. Ang kulit mo kasi e."

Bliss (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon