One

155 7 2
                                    

"My lady, bumaba na daw ho kayo." Pagtawag sakin ng maid namin.

"Give me a minute. Susunod na lang ako." sabi ko while putting a clip on my hair.

"Yes, my lady."  At lumabas na siya sa kwarto ko.

Nakaupo ako ngayon sa harap ng salamin at nag-aayos. May mga bisita daw kasi sa baba.

Nandiyan na kasi si Blair, ang bestfriend ko. Kasama niya ang parents niya, na ka-sosyo ng parents ko sa trabaho. Siyempre kailangan mukhang desente. Meron rin kasing ibang business associates sa baba. Mukhang may pag-uusapan sila. Kaya yun, what do you expect? Isa akong Klauss kaya kailangan kong i-meet ang kanilang expectation. And they expect me to dazzle them.

I'm simply wearing a light pink dress. It looks so elegant and I know it will look fine with my heels.

Hayy, dito lang sa bahay tapos naka-dress pa dahil may bisita lang sa baba? Well, welcome to my oh-so-fun life.

Bumaba na ko. And as expected, all eyes were on me.

They stopped talking, drinking..

Saka lang sila nagpatuloy sa mga ginagawa nila when I reached my parents.

"You look beautiful anak." I just smiled at my mom's compliment while she squeezed my hand.

"Come on, I have to introduce you to my sponsors, and co-leagues." aya naman ng tatay ko. Yan naman ang gusto niya eh, ang maipagmayabang na meron siyang anak na tulad ko.

"Whatever." saad ko while controlling my temper. I hate this kind of gathering, and they know it.

Naglakad na kami ni daddy papunta sa mga bisita niya.

Una naming binati ay isang lalakeng may pagka-matanda na. Siguro 50 na to. Meron siyang hawak na glass of wine. Well, what do I expect? Puro sila matatanda dito. Meron siyang kasamang bodyguard na nakablack suit.

"Arthur! Your place is beautiful. Hand me the number of your architect okay? I could really use him." sabi nung lalakeng matanda sa daddy ko.

"Thank you! Of course!" my dad replied.

"Is that Natalie?" tanong niya naman sa daddy ko habang nakatingin sakin.

"It's her alright. Natalie, this is Mr. Jonas. He's a very good friend of mine, and he has helped us through the years."

"It's nice to meet you Mr. Jonas." sabi ko ng nakangiti at nagbow.

Ngumiti lang siya sakin at tumingin na ulit kay daddy.

"Your daughter is beautiful. Bigla kong naalala yung apo ko. Bagay na bagay sila. Isang gwapo at isang maganda. They're both single.. well, are you iha?"

Tumango ako sakanya.

"Perfect." saad niya.

Sabay silang tumingin sakin, nagsmile nalang ako ng fake.

Yan nanaman, don't you dare put me into a Fucked Marriage dad.

"Hahaha! Well, we could talk about that another time." my father said realizing my tension.

Pagtapos ng mahabang kuwentuhan nila ni daddy, pinakilala na niya ko sa iba pang bisita dun.

Puro compliments at puro business ang naririnig ko. Nakakarindi.

"Natalie." napalingon ako sa likod ko, si Blair!!!

Ngiting-ngiti siya sakin at nanliliit ang singkit niyang mga mata.

"Blair." tawag ko din sakanya. Hindi pwedeng magpakaloka kami sa gitna ng maraming tao. We should speak formally and properly infront of them.

Nagbeso kami, at bago siya kumalas.. binulungan niya ko sa tenga.

Bliss (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon