mahaba-haba pa ang breaktime at naalala ni aru na magpapaprint pala siya. akmang bababa na sana ng hagdan si aru, nang napabilis itoㅡmay tumulak kasi sakanya.
bago siya tuluyang mahulog pababa ay may sumalo sakanyaㅡhawak ng isang kamay ang bewang nya habang ang isa naman ay ang braso bya.
iniangat niya ang ulo niya at nakita niyang ngumiti ito sakanya, "j-jeno"
--
nasa clinic sila ngayon.
"na-sprain yung paa niya pero bukas, okay na yan. sa ngayon, magpahinga ka lang muna" paliwanag nung nurse. "buti nalang nasalo ka agad ng boyfriend mo, kundi baka nabalian ka o kaya baka nabagok pa yung ulo mo" biro ng school nurse bago umalis.
halata namang namumula na ngayon si aru dahil sa kilig. mapagkamalan ba namang boyfriend niya yung crush nya.
"anong nararamdaman mo?" tanong ni jeno sakanya.
"pagmamahal para sayo" bulong nito, buti nalang ay hindi narinig nung isa. "ah eh, ayos naman na. hindi ko lang masakit lang yung paa ko"
"hm, sige. ieexcuse muna kita sa mga teachers natin for our classes until dismissal. magkaklase rin naman tayo" sabi niya at nagpa-alam.
nakahiga lang ngayon si aru sa school clinic. bored na bored na siya kaya medyo nakaramdam siya ng antok. makakatulog na sana siya nang may sumigaw mula sa labas, habang nakasilip sa bintana.
"HOY BUBWIT" si renjun pala. inirapan lang siya ni aru at di na pinansin. tuluyan nang nakatulog si aru.
YOU ARE READING
cusser ➢ RENJUN
Short Storyo n - g o i n g ❝ puro naman 'to mura, magmahal ka naman. ❞