uwian na. medyo masakit parin yung paa ko kaya iika-ika ako kung maglakad. nasa quadrangle na ako, pauwi, nang makita ko si jeno at tumakbo siya papunta sa direksyon ko.
"aru!" tawag nya. "hatid na kita sainyo"
"ha? ah eh- wag na! nakakahiya hehe"
"nako, magkapitbahay lang naman tayo e. tsaka isa pa, baka hindi kaagad gumaling yang paa mo kung maglalakad ka lang pauwi" walking distance lang din kasi yung bahay namin mula dito, kaya kung sasakay e sayang lang. yun nga lang, maraming pasikot sikot.
wala na akong nagawa kundi pumayag kaya ayon nagulat ako e ni-piggy back ride nya ako.
naglalakad sya habang ako nakakarga sa likod nya, piggy back ride nga e. maya-maya ay tumigil kami sa isang tabi at may pamilyar na mukha akong nakita.
anong ginagawa dito ni renjun?
"tagal nyo naman" sabi nya samin at nakasimangot pa. "pero heto, nakabili na ako ng gagamitin bukas" sabi niya at iniangat yung shopping bags na hawak nya.
"ha? ano meron bukas?" tanong ko, napalingon naman bigla sakin si jeno at.. sobrang lapit ng mga mukha natin.
( a/n: oo guys, renjun ff pa 'to hahaha. )
"intramurals bukas. bubwit ka talaga, hindi ka nakikinig kaninang morning ceremony. tara na nga. taena, ang bigat ng dala ko, oh" biglang singit ni renjun. hmpf napaka arte e ako nga mas mabigat dyan pero di nagrereklamo si bebeluvs.
naglakad na uli kami. iisipin ko na sanang ang romantic ng scenery na 'to. parang kdrama langㅡbuhat ako sa likod ng crush ko, ta's sabay kaming pauwi. aAaaAa. kaso tulad nga sa kdrama, may kontrabida talaga. di ko naman sinasabing huang renjun ang pangalan nya. hindi talaga ha.
nang makarating sa bahay namin, ibinaba na ako ni jeno at nagpaalam. si renjun naman nakatingin lang. kaya kay jeno lang ako nagba-bye at ngumiti.
maya-maya ay lumabas si mama, "oh. jeno at renjun!" bati nya.
nag bow silang pareho, wow may manners din pala si pandak, "hello po mrs. lee" sabi nila.
"mrs. lee kayo dyan? tita nalang, magkakaibigan din naman yung mga pamilya natin e" sabi ni mama. "nga pala, may family dinner kami bukas. gusto nyo sumama?" tanong nya.
"may aasikasuhin pa po ako e. pasensya na po" sabi ni jeno. hay sayang di nya mami-meet soon-to-be family nya na rin char. "pero baka po si renjun may free time" dagdag nya at nagchuckle.
aangal pa sana si injun nang magsalita si mama, "osige. hijo, aantayin namin kayo ni aru bukas ng 8pm, ah?" sabi nya at napilitang tumango at ngumiti nalang si pandak.
bakit sya pa. jusko naman.
nagpa-alam na sila at pumasok na rin kami sa loob. hay, aasarin nanaman ako ni kuya bukas.
YOU ARE READING
cusser ➢ RENJUN
Kısa Hikayeo n - g o i n g ❝ puro naman 'to mura, magmahal ka naman. ❞
