A.E.I.O.U 1
Once upon a time, there was a princess. And that princess is ME. (^__^)/ *kaway kaway*
And every princess has a prince.
And here comes MY PRINCE. So dazzling. So handsome. Nakakalaglag panty este panga.
"Hello there my princess. I love you."
And we're about to kiss. Pout kung pout. Sige lang. Go lang. Malapit na talaga.
*kriiiiiiiinggg*
*Blaaaaggg*
"Aray.. Huhuhuhu..." nahulog ba naman ako sa kama. Ang sakit-sakit ng pwet ko. Huhuhuhu.. Mommy... Huhuhuhu.. T___T
Napatingin ako sa alarm clock ko. Dinampot ko ito.
"Ikaw!!! Ikaw ang may kasalanan!! Nahulog na nga ako sa kama. Pinutol mo pa ang aking pantasya!! Itatapon na talaga kita!!" Ihahagis ko na sana ito pero.. Wait. Teka muna. Sayang. Ang mahal pa naman nito. Kaya balik ka nalang jan sa desk ko.
Makaligo na nga lang.
~Lalalalala
Ako nga po pala si AEIOU. Read as "A-yu" Unique right?! Syempre, isa kaya akong prinsesa dapat special din ang pangalan ko. Bwahahahaha.
Feeler na kung feeler. Basta prinsesa ako. Yun ang sabi ng daddy ko. I'm a daddy's girl. Pero wala na si daddy, bata pa ako nun. Huhuhu.. :(
Pero shooo ayaw ko ng drama.
I'm living alone but I'm already used to it. OFW ang mommy ko. Naiintindihan ko ang reason niya kung bakit kailangan niya akong iwan para rin naman ito sa akin. Mahirap lang naman kasi kami.
Teka!!
Sabi ko ayaw ko ng drama diba?! Hmpf! >.<
Okay.
Pagtapos magbreakfast, aalis na ako papuntang school.
Lock muna ng gate para walang magnanakaw.
Ng biglang...
"Waaaaahhhh!!!" pero nasa isip ko lang ang sigaw na yan. Tinatakpan nitong walanja ang bibig ko eh.
Teka. Teka. Sino to?
Kikidnapin niya ba ako?
Bakit?
Lord, wag naman sana. Bata pa po ako. Ayaw ko pang mamatay. Magpapakasal pa kami ng aking prinsipe.
Huhuhuhu... T___T
Ipinasok niya ako sa isang van.
May mga kasama pa siya.
"Mga kuya, Kidnap and ransom ba to? Biktima na din ba ako ng isang sindikato na napapanuod ko sa TV."
Ransom? Hindi siguro. Ang hirap ko kaya. Nakakapagsalita na ako. Hindi naman kasi nila ako tinalian at tinapalan ang bibig.
Tiningnan lang ako nila kuya. Deadma?
Ano ba naman yan?! Nagtatanong lang naman.
Teka!!
Baka re-rape-in ako.
"NOOOOO!!" sigaw ko.
"Wag mga kuya!!! Virgin pa ako!! Ang aking perlas ay para lamang sa aking prinsipe. Wag po kuya! Wag po!!"
At bigla silang nagtawanan.
Hala! Kung makatawa naman sila parang nagjoke ako.
Heh!! Shut up na nga lang ako.
BINABASA MO ANG
Ako si AEIOU, ang Astig na Prinsesa [ON HOLD]
Teen FictionIsa talaga akong prinsesa, FOR REAL?! Pero prinsesa ng ano?