"Hala! Anong nangyari sa babaeng ito?!" tanong ni Che habang papalapit kay Aeiou.
Nakita niya kasi itong nakaub-ob ang mukha sa mesa at parang humihikbi."Friend?" kalmadong wika ni Che ng makalapit na siya at tinapik sa balikat ang kaibigan.
Pero hindi siya pinansin nito."Friend, kung ano man yang problema mo, andito lang ako." At umupo na siya sa tabi ng kaibigan. "Wag ka ng umiyak." Tinapik tapik niya ang likuran nito upang tumahan na.
Pero napatigil siya ng mapagtantong hindi pala ito humihikbi.
Humahagik-ik pala ito.
Para itong kinikiliti at kinikilig.Dahil dun hindi na isang mahinang tapik ang naibigay niya sa kaibigan kundi malakas na.
Kaya mabilisang napaangat ng tingin si Aeiou at iniinda ang sakit.
"Friend!!! Bat mo ginawa yun??" reklamo ni Aeiou habang hinihimas ang balikat.
"Ikaw kasi!!! Nagsayang pa akong ng concern sayo! Akala ko kung napano ka na, akala ko umiiyak ka! Hindi pala!"
"Friend sa iyak concern ka pero sa kidnap hindi?! Graveh ka friend."
"Tigil tigilan mo nga ako sa kidnap-kidnap na yan."
"Hmm.. Bahala ka."
At bumalik nanaman si Aeiou sa kung ano man ang pinagkakaabalahan niya.
"Hoy!! Ano ba kasi ang ginagawa mo at parang nauulol ka jan?!"
"Secret." Sagot ni Aeiou ng hindi tumitingin kay Che dahil nakaub-ob lang siya dun at panay ang hagik-ik.
"Ahh secret pala ha."
"Aray Che! aray!" Reklamo ni Aeiou. Pano ba naman kasi ikaw ba naman magkaroon ng harsh na kaibigan. Hinila kasi ni Che ang buhok ni Aeiou. Napansin na kasi nito na may tinitingnan at tinatago si Aeiou sa pagitan ng kanyang mga braso na nakapatong sa mesa.
"Patingin kasi ako niyang tinitingnan mo!"
"Pwede ka naman magsabi hindi na kailangan manabunot." >.<
"Ah sorry. Akala ko kasi pahirapan ang paraan para maipakita mo lang sa akin yan."
Iniabot na ni Aeiou kay Che ang kanina pa niya tinitingnan. Isa pala itong picture.
"Picture? Kaninong picture to?"
Then Che flip the picture to the other side upang makita kung sino ang nasa larawan.
"Luke?!!" Gulat niyang wika ng makita kung sino ang nasa picture.
Si Luke, yung lalaking matagal ng crush ni Aeiou. Yung lalaking ni minsan man ay hindi nagawang tignan si Aeiou.
"Bakit siya?! Akala ko itatapon mo na itong mga collection mong stalker ka! At akala ko ba nahanap mo na ang prinsipe mo?! Yung lalaki kahapon!"
"FYI friend, hindi ako stalker. Fan lang ako. Crush ko siya. Ganun yun. At tsaka Friend, after 4 years pinansin na ako ni Luke! Waaaahh!!" Kilig na kilig naman si Aeiou.
"Ano naman ngayon kung pinansin ka? Baka akala niya isang kang pulubi sa daan na nangangailang lang ng tulong. Wag kang assuming te."
"Heh!! Of course not! Nagkausap talaga kami. And we're close now."
~flashback~
"Hi. Kilala mo ang lalaking iyon?"
Napalingon si Aeiou sa lalaking nagsalita sa likuran niya.
At gulat na gulat siya ng makitang si Luke yun.
First time in royal history yun sa buhay ni Princess Aeiou.
Dahil hindi makapaniwala si Aeiou sa nangyayari, hindi na niya nasagot ang tanong ni Luke at nakanganga lang siya dun.
BINABASA MO ANG
Ako si AEIOU, ang Astig na Prinsesa [ON HOLD]
Teen FictionIsa talaga akong prinsesa, FOR REAL?! Pero prinsesa ng ano?