Hell Yeah! AMAPRINCESS! :P

40 0 2
                                    

AEIOU 2

“Friend, ba’t ayaw mong maniwala?” kanina ko pa kinukulit tong kaibigan ko, ayaw niya talagang maniwala na nakidnap ako kahapon.

“Friend, alam mo.. Sa dami-dami ng mga pantasya mo baka hindi mo na mawari kong iyon baa ng reyalidad o hindi. At baka nabagok mo lang yan ulo mo.” Seryoso niyang paliwanag.

“Hayzz.. Ewan ko sayo. Pag ako nakidnap ngayon, who you ka sa akin.”

1

2

3

“Waaaaahhh!!” sigaw ako ng sigaw. May mga lalaki kasing lumapit sa amin at pilit akong hinihila. “Friend!! Ito na kikidnapin na ako!! Huhuhuhu!! Tulong! Help!!”

Pero yung bruha kong kaibigan, nakanganga lang dun. Parang hindi naniniwala sa nangyayari. Sabi ko kasi sa kanya na totoo akong nakidnap eh ayaw pa talagang maniwala. To see is to believe ba talaga?!

At tuluyan na akong nasakay nung mga goons sa van nila. Huhuhuhu… Katapusan ko na talaga to!!

Friend, ikaw na lang ang pag-asa ko. Sana tumawag ka ng POLICE, SWAT, PNP, NPA, MMDA, DOJ, DOST, DPWH.. basta lahat ng department sa gobyerno, mailigtas lang ako. Huhuhuhuhu…

“Mga kuya naman eh! Paulit-ulit nalang tayo.” Reklamo ko sa mag kidnappers ko.

“Tumakas ka kahapon kaya kailangan tuloy naming ulitin.”

“Eh sa yun naman talaga ang dapat kong gawin. Alangan naman mag-enjoy ako dahil nakidnap ako. Shunga lang?”

At nakarating na ulit kami sa lugar kung saan nila ako dinala kahapon.

Sinubukan ko ulit yung strategy ko para makatakas pero wa epek na eh.

Kaya shattap nalang ako.

Pinaupo nila ako sa isang upuan na nasa gitna ng abandonadong building.

“Kuya!!! Wag po!!!” sigaw at pakiusap ko sa kanila. “Kuya!! Ayaw ko pa pong mamatay!!! Kuya!!!”

“Hoy!! Tahimik!! Hindi ka namin papatayin!!” sigaw niya sa akin.

“Weh?? Talaga?” sure sila? Eh di anong gagawin nila sa akin?

“Kuya!!!! Wag po!! Wag niyo akong gahasain!! Ayaw ko po maging sex slave!! Maawa kayo!!! Huhuhuhuhu…”

“Manahimik ka nga!! Wala kaming gagawing masama sa iyo!!!”

“Weh? Di nga?”

“Oo nga!”

“Eh ano palang gagawin niyo sa akin?”

“May sasabihin lang kami sa iyo.”

“WHAAAAT??! May sasabihin lang kayo??!!!”

“Oo bakit?”

“May pakidnap-kidnap pa kayo pero may sasabihin lang pala kayo sa akin?!!!! HAAAA??!!” wala na galit na ako! Kayo ba naman, kikidnapin. Kinakabahan pa ako ng todo at kung saan-saan na napupunta ang imagination ko kung ano ang gagawin sa akin. At may paiyak iyak at sigaw pa ako. Tapos, may sasabihin lang sila?!! Asan ang hustisya jan?!!!

Ako si AEIOU, ang Astig na Prinsesa [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon