I found MY PRINCE <3

41 2 2
                                    

AEIOU 3

I never saw someone this handsome. So perfect.

I've been looking at him from afar for 4 years already. But he never did the same way.

I would be a hypocrite if I will say that I'm contented by just looking at him. I wanted to be more than just this.

If you would just laid your eyes on me even just for once. Just for once.

I would be the happiest.

I could still remember the very first time I saw you. It was...

"Aray!!" reklamo ko. Naputol ang pantasya ko ng biglang may nambatok sa akin. Syempre alam niyo na kung sino yun, syempre ang bruha kong kaibigan.

Nandito kasi ako ngayon sa may field ng school kung saan may mga cemented tables and chairs. At nakatingin lang ako sa isang lalaking cool na cool na naglalakad sa field na siyang crush ko sa matagal na panahon. Siya ang prinsipe na sinasabi ko, palaging iniisip at pinapanaginipan ko.

Nang biglang dumating itong kaibigan ko at may kasama pang batok.

"Ano ba?!! Mambatok ba talaga??!!" bulyaw ko kay Che.

"Oo friend. Kasi nakanganga ka na, tulo laway pa. Ewww. Gross."

Pinahidan ko naman agad ang bibig ko. "Wala naman eh!!" Promise, wala talaga!!

"Oo na! Ang gusto ko lang ay putulin yang imahinasyon mo. Grabe ka! Friend, ang tagal mo ng pinagnanasahan yan hindi ka pa rin makamove on."

"Mangialam ba naman?!! Pabayaan mo na ako!"

"Friend, isa lang akong concern citizen. Ayaw ko mabaliw ka na ng tuluyan."

"Ikaw ang baliw." At umismid na lang ako. Nang bigla akong may maalala. "Hoy teka!!!" bulyaw ko sa kanya at nakaturo pa.

"Hoy!! Wag mo nga akong mature-turo jan. Wala akong utang sayo." At tinapik niya ang kamay ko.

"Sabi ko kahapon, kapag ako makidnap, who you ka sa akin!! Nakidnap ako!! Kaya, who you ka!!!" Napatayo na ako sa upuan ko.

"Ahh oo na. Oo na. Who you na ako." Wala namang kagana-ganang sagot niya. Kaya umupo na ako at nagpout.

"Hindi mo man lang ako tinulungan. Naghintay ako sa tulong mo na may dadating na mga rescuers. Pero wala. Walang-wala." Pag-eemote ko.

"Wala na yun. Ligtas ka nga oh."

Literal akong napanga-nga sa sinabi niya.

"Grabe!! Ang sama mo! Kaibigan ba talaga kita?!!! Haaaa??!" mukhang iiyak na ako dito. Huhuhuhu T____T

"Oo naman. Ang galing mo ngang kaibigan. Kasi... Para lang mapaniwala akong nakidnap ka, naghire ka pa talaga ng mga goons. Grabe. Bilib na ako sayo friend. Pero kailan ka yumaman? Anong pinambayad mo dun?"

Mas napanga-nga ako sa sinabi niya. HANUDAW?

"Ano? Hindi ka talaga naniwala na nakidnap ako?"

"Muntik na friend. Pero grabe ang galing mo friend, nag-effort ka pa talaga."

"Ano? Friend, totoo akong nakidnap kahapon." Sinsero kong sabi sa kanya. Napatahimik naman siya sa sandali.

Pero bigla ding napatawa. "Bwahahaha... Ikaw makikidnap? Ano naman ang gusto nila sayo? Pera? Rape? Sa lahat-lahat ba naman ikaw talaga? At sa magkasunod pa na araw. Wag mo nga akong pinagloloko friend."

"Kung ayaw mong maniwala, eh di wag! Hmp!"

"Wala namang masamang nangyari sayo. Wala ka ngang sugat o kahit na ano oh."

Ako si AEIOU, ang Astig na Prinsesa [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon