Prologue
"Vaughan.."
Parang karayom na unti-unting tumutusok sa puso ng pitong taong gulang na batang lalaki ang boses ng sariling ina.
"M-mama?"
Gusto nitong dugtongan ang salitang binigkas pero hindi na magawang bumukas uli ng bibig niya. Kaya walang nagawa ang bata kundi tignan ng matalim sa mata ang kaharap na babae.
Kasama sa silid niyon ang ama ng bata ngunit tila pako rin itong nakatayo sa likuran ng bata. Parehong nakatuon ang paningin nila sa kinaroroonan ng babae. At sa lalaking kasama nito roon sa mismong silid na noo'y nakangisi at nakapagbihis na.
"Mga taksil!" Hinablot ng lalaking bagama't may edad na ay matikas pa rin ang pangangatawan upang ibalya sa hamba ng pinto ang estranghero.
"Vlad! huwag!"
Nakapambuno ang dalawa. Hindi na rin magawang makialam ng ginang dahil tulad niya ay puro iyak na lamang ang tanging nagawa.
Gumanti ng suntok ang estranghero.
"Hayup ka! papatayin kita! wala kang utang na loob!" inambahan rin nito ng suntok ang ama ng bata at nang makawala mula sa pagkakahawak ng huli ay kumaripas ng takbo. Nakatakas!
"Ysmael!"
"Vlad.. Mali ang iniisip mo," Lumapit ito sa asawa.
"Listen to me, please?" But the man stood still. And he was mad. Pilit nitong kinakalma ang sarili.
Pain was written in his father's eyes. At ramdam niya rin ang sakit na iyon ngunit nanatili siyang walang imik.
Traitor.
His mother cheated on his father. And she betrayed him.
"Iwan mo ang bata," Anito. At marahas na nilingon ang ginang. "Umalis ka ngayon din."
And that did it.
He turned his back on them.
It was supposed to be one of the happiest day of his life. But how?
How can his own mother jeopardize his happiness? Paano nito nagawang sirain ang pamilya nila sa mismong kaarawan niya?
Traitor.
That woman was a traitor. And he already felt betrayed.
YOU ARE READING
THE UNTOUCHABLE MAN -(ON GOING)
ActionIt was love at first sight. Unang kita pa lang ni Sol sa bago nilang kapitbahay ay tinubuan na agad siya ng curiosity rito. Una ring nakakuha ng atensyon niya ang berde nitong mga mata and it was the greenest eyes she had ever seen! kulang ang salit...