CHAPTER 9

15 0 0
                                    

Naglakad kami ni Amver papunta sa opisina ni Dark. 

Nang makarating kami sa opisina ni Dark. Kumatok muna si Amber sa pintoan. 

* knock knock knock* 

Naghintay kami sa boses ni Dark na kung papasokin kami, ilang minuto kami naghantay pero ni isang imik ni Dark wala akong narinig.. 

"Hmm.. Wala siguro si Sir.." napatingin ako kay Amber. 

Nagsulat ako sa sketch pad ko at pinabasa sa kanya, "AKO NA LANG MAGBIBIGAY NG MGA PAPELES NI DARK. AKO NA LANG ANG PAPASOK."

"S-sigurado ho kayo Ma'am?" 

Tumango ako sa kanya at ngumiti.

"Baka ho pagalitan ako ni Sir.."

Umiiling ako sa kanya at nagsulat ulit sa sketch pad ko at pinabasa sa kanya, "SIGE NA AMBER, AKO NA ANG BAHALA.." 

"Sige, Ma'am Alyssa.." ngiting sabi ni Amber sa akin. 

Nagsulat ulit ako sa sketch pad ko at pinabasa sa kanya, "ALYSSA WILL BE FINE.." at ngumiti ako balik kay Amber.

Tumango siya sa akin at binigay ang papeles na para pirmahin ni Dark. 

Pagkatapos ay pinihit ko ang door nob ng pinto ng opisina ni Dark at pumasok. Sumalubong sa akin si Dark na nakatalikod sa direksyon ko, nakaupo at may katawag siya sa phone.

Sinarado ko dahan-dahan ang pinto ng opisina ni Dark at naglakad ng tahimik sa likod niya.

"Siguradohin mo nakaset na yan Grey." napatigil ako sa paglakad nang marinig ko siya Dark.

Tiningnan ko siya na nakatalikod sa direksyon at pinili kong makinig sa sinasabi niya sa phone. 

"Yeah... Yes... Of course... At kailangan ko magpa double sa bodyguard. Para magaawat sa akin.." 

Huh? Aawat? Ano makikipagsuntokan ba si Dark tska bakit siya magpa double sa mga bodyguard? 

"Tska sabihan mo ang mga bagong bodyguard na paki bantayan yung babaeng yun ayaw ko mahawakan niya ni isa ng hibla ng buhok ng asawa ko.." 

Seryoso? Sino namang babae ang tinutukoy ni Dark? 

"Hmm? Ahh.. Kung sakaling sasaktan niya ang asawa ko? Papatayin ko siya at 
puputulin ng pintong-pinto lahat ng bahagi ng katawan niya.." 

Nakaramdam ako ng takot ng sinabi ni Dark yun. Pinagiisipan ko pa kung sinabi ni Dark kanina parang ayaw ko ng mabuhay.. 

Parang gusto ko ng tumakbo palabas dito sa opisina ni Dark. 

"Sge, osya, tatawagan kita mamaya Grey may plano na ako. Mamaya na natin pagusapan. Hahanapin ko muna asawa ko... Sige.. Sige.. Bye.." 

Pagkatapos ay nilagay muna ni Dark ang cellphone niya sa bulsa niya at tumayo siya sa kinauupuan niya.

°•○●°•○●°•○●°•○●°•○●°•○●°•○●°•○●
DARK'S POV

Tumayo nako sa kinauupuan ko. Kailangan ko nang mahanap ang asawa ko nagaalala na ako sa kanya. 

Nang tumalikod ako nanlaki ang mata ko dahil nakita ko siyang nakatayo. 

Lumapit ako sa kanya at niyakap..

"Pinakaba mo ako ng sobra.." bulong ko sa kanyang tenga. 

Lumayo ako sa kanya kaunti at tingnan ang mukha niya napansin ko tinaas niya kaunti ang kanyang sketch pad at pinabasa sa akin.. 

Napangiti naman ako sa nabasa ko doon.. "SORRY.." 

Hinalikan ko ang kanyang noo at bulong ulit sa kanya, "Wag mong gagawin ulit yun. Pinakaba mo ako ng sobra eh." 

Anderson Series: Married To A Talkless GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon