CHAPTER 10

16 0 0
                                    

DARK'S POV

"Boyfie!! Namiss kita!! Waahhh~ namiss mo ba ako?"

Dikit na dikit ang mga kilay ko nang lumapit ang babaeng sumira ng buhay ko noon sa akin ni yakap niya ako.

Tss.. Bwisit na babaeng to.. Itapon ko talaga ito sa Ilog Pasig ng maaga eh. 

Mahigpit kong hinawakan ang kamay ng asawa ko. Nakayukom ang kabilang kamay ko. 

"Boyfie isama mo na ako sa bahay mo para maenjoy natin ang panahon na hindi tayo magkasama." nakahawak pa talaga ito sa pisngi ko.

Bwisit. Nandidiri na talaga ako. 

"I wanna have fun with you in your bed babe.." naka kulupot ang braso niya sa likod ng leeg ko.

Tiningnan ko ang asawa ko nakakunot ito na nakatingin sa akin at halatang gusto na niyang ilabas ang kanyang luha. 

No!! Hindi pwede!! Ayaw kong masaktan ang asawa ko dahil dito!! At ayaw kong magaway kami dahil lang dito!! 

Okay. Hindi ko na talaga kaya!! Nangggigil na talaga ako at nandidiri!!

Kaya tinulak ko soya ng malakas hanggang sa mapaupo siya sa sahig. 

Nakita ko ang paglaki ng kanyang mga mata. 

"B-babe? Bakit mo ko tinulak? Hindi ka ba masaya na nakita mo ulit ako?" 

"Babe? Sorry Alexis but we are already over. Natapos ko na kung ano ang meron sa atin noon. Hindi ako masaya na nakita kita dahil nandidiri ako!!"

Mas lalong dumikit ang aking mva kilay dahil sa sobrang galit. Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Mas lalo nanlaki ang kanyang mga mata sa narinig niya. 

"Babe? Bakit? Ayaw mo na ba sa akin? Nagalit ka ba sa akin dahil iniwan kita at pinili ko ang aking mga pangarap kaysa sayo? O DAHIL JAN SA BABAENG KASAMA MO?!" 

"Wag mong isali ang asawa ko sa gulo natin Alexis! Gulo natin to! Away natin to! Kaya tumigil ka!! Wag mong sisihin ang asawa ko dahil wala siyang kasalanan dito!" 

"A-asawa mo siya? Pero bakit?"

"Oo asawa ko siya at mahal na mahal ko siya. Mas minahal ko pa siya kaysa sa pagmamahal na pinakita ko sayo.."

Mas lalo kong hinawakan ang kamay ng asawa ko. 

Dahan dahan siyang tumayo sa sahig, "Ibig mong sabihin.. Siya ang pinalit mo sa akin?" 

Tumango ako sa kanya nakita ko ang pagtingin niya sa asawa ko. Mukhang may masama siyang balak. 

Kaya hinila ko ang asawa ko sa likod ko. 

Ngumiti siya samin, "Ikaw pala ang malanding babaeng pinagpalit sa akin ng mahal ko!" 

Nagulat ako ng bigla siyang sumugod at sinabunutan ang asawa ko. 

Kaya hindi na ako nagsayang ng oras pa. Inawat ko siya. Inalayo ko soya sa asawa ko at tinulak ko siya naglakas kaya napaupo siya ulit sa lupa.

"Ganon ba talaga ang tingin mo sa akin Dark? Bakit mo ako sinasaktan ng ganito?" 

"Ako dapat ang nag tatanong sayo niyan Alexis. Bakit mo ako sinaktan noon? Bakit mo pinili ang pangarap mo kaysa sa akin? Binigay ko naman sayo lahat ah."

"Dark matagal ko nang pinangarap yun, doon na pa ako aayaw na kung saan may opportunidad na akong matupad ang aking mga pangarap?"

"Kahit na Alexis! Dapat hindi mo ako iniwan nun! Dapat nga hindi ka kusang bumitaw kaso nakipaghiwalay ka sa akin!"

Anderson Series: Married To A Talkless GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon