Chapter 4

659 21 0
                                    

Chapter 4

 

 

Azhanthey’s P.O.V

Nagising ako dahil parang may mabigat na nakadagan sa bewang ko.

Pagdilat ko ay isang blue at black na kwarto ang nabungaran ko.

Pagtingin ko sa tabi ko ay nakita ko si Blake.

Blake? Paano?

Naguguluhan ako sa mga nangyayari.

Pero isa lang ang nasisiguro ko.

Kailangan ko nang umalis dito.

Agad kong pinulot at isinuot ang mga damit ko.

Pagkatapos ay tinawagan ko na ang driver ko para magpasundo.

Alam ko ang building na ito dahil mayroon din akong unit dito.

Pero hindi ko na alam kung ano ba talaga ang nangyari kagabi.

 Riiiiiiinggggggggg~~ Riiiinnnggggg~~

Mommy Calling…

Si mommy? Ano kaya kailangan nya?

“Hello mommy?”

“Baby asan ka?”

“Nasa byahe na po pabalik ng bahay. Why?”

“Ahh.. I see. Nandito kami sa bahay . daliaan nyo at may kailangan pa tayong pag-usapan.”

Biglang sumeryoso ang boses ni Mommy.

Sigurado na ako ngayon na importante nga ang sadya na.

Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong kinabahan.

Sana walang mangyaring masama.

“Sige po My. Kita nalnag tayo sa bahay. Love you.”

“Ingat kayo ha? Love you too.”

Tooot toooot tooot

Sana magandang balita ang sabihin ni mommy.

Blake’s P.O.V

Nagising ako dahil sa liwanag na nagmumula sa bintana ng kwarto.

Kinapa po ang tabi ko at wala nang nakahiga doon.

Plaid.

Napabalikwas ako nang maalala ko si Plaid.

Bumangon ako agad at naligo.

Habang nagaayos ako ay may napansin ako sa paanan ng kama ko.

Wallet?

Pagbukas ko ng wallet ay naka-ngiting mukha ni Plaid ang nakita ko.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

May nakita kaong calling card sa wallet ni Plaid.

 

Plaid Azhanthey Morris

09XX-XXX-XX59

The Sweet MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon